Chapter 0
October 2006 (Present time): Nasa gitna ng meeting si Allan para sa budgeting ng kanilang mga projects nang may biglang tumawag sa kanyang cellphone. Bilang isang Municipal Administrator at political adviser ng Mayor, napaka-busy ng kanyang schedule, lahat dapat ay nakaplano. Ang kababata pala niyang si Del ang kanina pa tumatawag. Nagtext na lang si Allan na tatawag na lang pagkatapos ng meeting. Tumigil ang pag-riring ng cellphone niya pero saglit lang ay nagreply si Del. Hindi niya muna ito binasa dahil tinawag na siya ng Vice-Mayor para i-discuss ang mga projects nila sa susunod na taon.
Nang Matapos siya sa kanyang report, agad siyang umupo. Naalala niya na may nagtext sa cellphone niya. Agad niya itong kinuha at binasa ang text.
"Tsong patay na si Toni!"
Nagulantang si Allan. Baka binibiro lang siya ni Del pero kinontra din agad ito ng kanyang isip, imposible na biruin siya ni Del at hindi ito magandang biro. Nanlamig ang buo niyang katawan. Wala na ang isip niya sa meeting at kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang isipan. Nakapagdesisyon na siya. Nagreply siya kay Del.
"Sige tsong uuwi ako ngayon!"
Allan: Excuse me People, Mayor, kailangan ko munang umalis.
Nagulat ang mga tao sa loob ng session hall.
Mayor: Allan 'san ka pupunta?
Allan: Mayor, Emergency lang po, tatawagan po kita mamaya.
Naiwang clueless ang mga tao sa biglaang pag alis ni Allan. Nagkatinginan lang sila at tinuloy na lang ang session.
Nagmamadaling umalis si Allan sa Munisipyo. Umuwi at nagmamadaling nag empake ng mga damit at gamit niya. Tiningnan niya ang kanyang relo. Aabot pa sya sa 10am na biyahe ng bus papuntang Manila.
Eksaktong 10am ng dumating siya sa terminal ng bus. Hindi pa puno ang bus kaya nakapili pa siya ng magandang pwesto. Umupo siya sa may kaliwang bahagi na malapit sa TV at bintana.
Maya-maya pa ay may nagsakayan ng mga pasahero. May isang babae ang sumakay na umagaw ng pansin ni Allan. Sa palagay niya, ito ay nasa 20's lang. Simple lang ang ayos nito. Nakalugay ang itim na buhok. Walang make-up ang maliit na bilogang mukha. Walang lipstick ang maliit nitong labi. Mapungay ang may kalakihang mga mata. May kangusan ang ilong. maputi ang mamula-mulang balat. Balingkinitan ang katawan at nasa 5'3" o 5'4" ang taas. Pero ang umagaw ng pansin niya ay ang lakas ng dating nito at nahahawig sa namayapang kaibigan na si Toni Rose.
Huminto ito sa tapat niya at nagsalita.
"Manoy, excuse me po, may naka-upo na po sa tabi 'nyo?''
Sumagot si Allan,"wala pa miss."
Binuhat ng babae ang kanyang varsity bag at tangkang ilalagay sa estante sa uluhan nila. Napansin ni Allan na medyo may kabigatan ito kaya tinulungan niya ang babae sa pagbubuhat.
"Salamat po Manoy!", sabay ngiti sa kanya ng babae."
Si Allan naman ay tumango na lang at umupo na ulit.
Umupo na din ang babae at nanood ng palabas sa TV.
Paalis na ang bus ng may humabol pa na pasahero. Tatlong bata na halos magkaka-edad, Dalawang lalaki at Isang babae ang sumakay. May kasama din silang Dalawang babae na nasa edad 30+ na.
Napangiti si Allan ng makita ang Tatlong bata. Tumanaw siya sa labas ng bintana at unti-unti ay nagbalik ang mga alaala kung paano sila nagkakilala ni Toni.
Chapter I
June 1983: Bata pa lang si Allan Bonifacio ay mahiyain na ito kaya madalas siyang ma-bully ng mga classmates niya sa school. Dumating din ang punto na ayaw na nitong pumasok kaya nagpasya ang kanyang Mama na ilipat na lang siya sa Elementary school sa katabing barangay.
BINABASA MO ANG
My first love's funeral (COMPLETED)
RomanceBata pa lang si Allan ay may lihim na siyang pagtingin sa kanyang kaibigan na si Toni. Hanggang isang gabi ay maglalakas loob na sana siyang umamin sa kaibigan, pero isang trahedya ang nangyari para lumayo ang loob sa kanya ni Toni. Nilisan ni Allan...