*Note:
Sorry for the wrong grammars, wrong spellings at kung ano pang wrong. Katulad ng wrong pronounciation (hehe, meron ba nun?) ,etc. Just enjoy reading guys!*
"Greg Smith". Pangalan pa lang. Ulam na. San ka pa? Bili na! Harhar! Aherm. Again, siya si Greg Smith. Anak ng nagmamay-ari ng isa sa mga sikat na academy sa buong Asia na ang "Smith Academy". Isang elite na paaralan na para sa mga mayayaman na mga personalidad lamang. Siya ay tinaguriang heartrob sa nasabing paaralan. Wala pang naglalakas loob na banggain siya dahil sa kabila ng pagiging anak ng may-ari ng paaralang iyon, siya rin ang lider ng isang grupo na nagngangalang Amazing 4 na mas kilala sa pangalang A4.
At siya naman si "Janine Cruz" na mas nakilala sa pangalang "Isabela Altrega". Siya ang "childhood bestfriend at ang first love ni Greg". Ngunit nagbago rin ang lahat dahil sa isang malagim na aksidente na naging rason ng pagkawala ni Janine Cruz at ang pagbuhay niya bilang Isabela Altrega. Siya ay nakapasok sa isang elite na academy na dahil sa tulong ng may-ari ng paaralang iyon. At iyon ay dahil sa pagiging tapat ng kanyang ama-amahan (ng taong kumupkop sa kanya) na na nagtratrabaho bilang isang janitor ng nasabing paaralan. Hindi na siya nakabalik pa sa tunay niyang pamilya dahil nagka-amnesia siya ng dahil sa aksidente. In other words, wala siyang matandaan tungkol sa kanyang nakaraan.
Simula noong tumungtong siya sa paaralang iyon, ang kanyang tahimik na buhay ay nagsimulang maging magulo nang banggain niya ang kinatatakutang lider ng A4. Pero sa kabila ng panggugulo na naganap, may pag-ibig pa rin na nabuo. Ang pag-ibig na nabuo ng dalawang taong hindi mo aakalaing magkakasundo. Okay, tama na ang satsat. Let's welcome, "CHAPTER 1".
BINABASA MO ANG
The A4's Leader is Unbelievably Inlove
Teen FictionMahirap talagang mahulog sa taong walang ibang ginawa kundi ibalewala ang feelings mo para sa kanya. Maraming nagkakagusto sa'yo pero, siya at siya pa rin ang gusto mo. At ang mas malala pa, may mahal na siyang iba. Anong gagawin mo? Ipaglalaban mo...