Rebel ten!

37.1K 849 59
                                    

Just let me in

CHASTY ---

"Aray!!"

"Huh?" ani ko at bumalikwas ng bangon. Nakita kong nasa lapag na si Keyven at hinihimas ang balakang.

"Anong ginagawa ko dito sa kwarto mo?" sabi ko at napatingin sa sarili. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kong nakahubad ako.

Oh my! May nangyari na naman sa amin?

"M-magbihis ka na. Maliligo na ako at papasok pa." aniya at tumayo,kinuha ang towel na nakasabit sa likod ng pinto at lumabas na ng kwarto.

Ooopps! I did it again!

Agad na akong tumayo at nagbihis,tiniklop ko din ang kumot at inayos ang mga unan.

Lumabas na ako ng kwarto,nadidinig ko ng lumalagaslas ang tubig sa banyo. Sinamantala ko iyon at tumakbo ako papunta sa kwarto ko.

Hinanda ko na agad ang mga damit ko at gagamitin ko sa school. Nang madinig kong bumukas sara na ang pinto ay agad akong lumabas at ako naman ang naligo sa banyo.

Pagkatapos ay nagmadali na ulit akong pumasok sa kwarto. Hindi ko alam kung anong nangyari,pero parang ang gaan ng pakiramdam ko. Usually pag ganito kami ni Keyven ay naiilang na ako.

"Chasty! Una na ako sa school!" sigaw ni Keyven. That's a first,anong nangyari sa kanya?

Lumabas na ako at naabutan ko pa syang papaalis sakay ng motor nya. Nilingon nya ako na parang may sasabihin ngunit nagbawi din sya ng tingin at agad ng umalis.

He's acting really strange,what's with him? Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at naglakad na papunta sa sakayan ng jeep. Pagkasakay ko pa lang ng jeep ay tumunog na ang cellphone ko,sinilip ko ito sa aking bulsa para tingnan ang tumatawag.

Si Dok Blithe. Ni silent ko ito at ibinalik sa bulsa. Napa buntong hininga ako. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang offer nya o hindi? Hindi din kasi ako komportable sa gusto nyang set up. Ive been raped at hindi ko alam kung makakatulong nga ang gusto nya mangyari.

Nagbayad na ako at sinabi kung saan ako bababa saka ako tumingin sa labas. Halos lahat ay nagmamadali para hindi sila ma-late kung saan man sila pupunta.

Yung pakiramdam na may nakatitig sayo ay damang dama ko kaya inilibot ko ang paningin ko sa loob ng jeep at nagtama ang aming mga tingin.

Agad akong nakaramdam ng matinding takot. Sya yon! Yung kaibigan ni Tatay! Yung kasama nya sa pambababoy sa akin.

"Manong para po!" ang agad kong sigaw. Tumigil ang jeep at nagmadali akong bumaba kahit na nangangatog na ang aking mga tuhod.

Nang makalayo ako sa jeep ay dun lang bumuhos ang aking mga luha. Takot na takot pa din pala talaga ako.

Napatigil ako sa paglalakad. Malayo layo pa dito ang school,pero sige lalakarin ko na lang,sanay naman ako sa ganito.

Pagdating sa university ay pinagpapawisan at hapong hapo na ako. Late na din ako sa unang klase kaya minabuti ko munang pumunta sa cafeteria para bumili ng tubig.

"Oy cutie Chasty!" ang pagkalabit sa akin ng matapos akong bumili. Sina Bunny at Peach pala.

"Ahm,ano yon?" ani ko at ngumiti.

"Kamusta si Keyven? Pumasok ba?" tanong ni Peach.

"Oo,nauna nga syang umalis eh." ang sagot ko at nagkatinginan sila. Yung tinginan nila may kakaiba kaya hindi ko maiwasang magduda.

"Akala namin hindi sya makakapasok,sobrang lasing kasi kagabi eh." ang sabi naman ni Bunny.

"Nagmamadali ngang umalis eh." matipid kong sabi. Nahihiya kasi ako sa kanila dahil alam nila ang nangyari sa akin.

Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon