Chapter 18.

826 27 1
                                    

Propose

"Engineer! Kailangan daw po kayong makausap ni big boss!" Nilapitan ako ng foreman ko habang winawagayway ang cellphone niya sa harap ko. Nakangiting tinanggap ko iyon.

I am currently working on the biggest project OI ever got. Kaming dalawa ni Diyo ang assigned engineer nito kaya lang ay may kailangan siyang asikasuhin kaya wala siya sa site ngayon.

We got the deal for the Philippines' biggest coliseum. Di hamak na mas malaki ito sa Araneta at sa Philippine Arena. This dome can probably accomodate 100 thousand people at one event. We've been waiting for a project like this for the longest time. Mahigit isang taon na akong nagtatrabaho sa OI kaya naman medyo gamay ko na ang pamamalakad ni Diyo. Walang favoritism iyan. Minsan nasigawan na niya akp at napagalitan sa trabaho.

Nagtampo ako ng halos isang linggo sa kanya. Nakakatakot siyang magalit. Pero hindi ko na lang iniisip iyon. Hindi ko pwedeng personalin ito. Business is business isa pa parepareho naman kaming nakikinabang sa kita ng kumpanya.

Tulad ng normal na couple we fight at times but we still manage to kiss and make up. Ayoko namang magkasira kami dahil lang sa mga petty na away.

"Yes Engineer?" Pagsagot ko sa tawag niya.

"Athena. Pasensya na at naabala kita. Ipapaalala ko lang iyong party ni Dayana mamayang 3pm. Baka makalimutan mo." Oo nga pala! 22nd birthday na ni Dayana at may party na gaganapin sa mansyon nila. Imbitado kami nila mommy dun. Siyempre pwede ba namang hindi?

"Oh! Teka? Bakit di ka na lang sa phone ko tumawag?" Nagtatakang tanong ko.

"Check your phone." Simpleng sagot niya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko.

Napanganga ako nang makitang may 10 missed calls na ako galing sa kanya.

"Ahehe. Sorry love. Busy kasi dito alam mo na matatapos na kasi yung project." Tabingi ang ngiting sabi ko.

"I know. At sanay na ako sayo Athena. Kung di lang importante ang phone para sa communication malamang ay tinapon mo na iyan eh. Anyway, I'll pick you up at 3pm later ha?" Natatawang sabi niya. I know! Hindi kasi talaga ako mahilig magcellphone.

"Alright." Simpleng sagot ko.

"I love you." Sabi niya. For sure nangingiti na yan ngayon.

"I love you too." Namumulang sabi ko. Hindi pa rin ako masanay sanay sa pagsasabi niya ng ganyan kahit dati pa. Di naman kasi niya madalas sabihin kaya lagi kong nako-caught off guard.

"Wala na bang ibibilis ang kilos mo anak? Mauuna na kami ng Papa mo ha?" Sigaw ni mommy habang nakasilip sa pinto ng kwarto ko. Sanay na sila na ganito ako kabagal kaya di ko gets tong reklamo ni mommy.

"Susunduin po ako ni Diyo. Mauna na po kayo." Sagot ko. Napailing na lang siya.

"Spoiled." Natawa ako sa sinabi niya. Alam ko naman iyon. And Diyo spoils me too much! Kasalanan niya iyon!

Ayoko lang magmukhang basahan sa party mamaya dahil may media. Itetelevise ang party ni Dayana. A year ago she got an offer to be an actress singer. Ngayon ay isa na siya sa mga pinakasikat na artista sa bansa.

Ayaw sana ni Diyo ng media dahil suplado talaga siya. Pero di niya pwedeng ipilit ang gusto niya dahil para sa career naman iyon ni Dayana.

"I don't understand why people need to see these kind of special events. This should be intimate." Napapalatak na sabi ni Diyo habang nagmamaneho. I share the same view as Diyo pero ganyan talaga. Tinangkilik ng tao si Dayana kaya naman maraming gustong makakita at makishare sa ganitong mga pangyayari. This will be shown nationwide kaya naman marami talagang parte ng media na dadalo sa event.

My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon