Special Chapter #4

257 16 1
                                    

SinB's POV


Nang nasa kalagitnaan ng pagke-kwento si Minah, pinigilan siya ni Minnie na kakatapos lang mag-hikab.


"Please, can we just eat?" tanong niya at nag-gesture sa mga pagkain namin na hindi pa nagagalaw.


Nag-nod si Minah at nag-simulang kumain samantalang nagkatinginan lang kami ni Jungkook and had one of our telepathic conversations.


Anong gagawin natin?

Hindi ko alam.

Let's talk to Namjoon oppa and ask him.

Good idea, iwan na lang ulit natin yung kambal kila Jimin?

No, let's bring them along, we'll manage.


Tumango kami saka lang nag-simulang kumain.


Pag-katapos namin kumain, pumunta na kami sa parking lot.


"Who wants to visit Uncle Namjoon?" tanong ko. Agad na tumaas ang kamay ni Minah. "Me, me, me," sambit niya.


"No, please, I don't want to learn about jellyfishes. Please don't. Let's go home," sambit ni Minnie sa tabi ko habang naka-simangot.


"But I want to ask him something," naka-ngusong sabi naman ni Minah.


"What do you want to ask him? Baka alam ko?" sambit ni Jungkook.


Napa-ngisi ako dahil siguro naman alam ni Minah kung masasagot ba ni Jungkook ang tanong niya. The fact na hindi siya tinanong ibig sabihin hindi niya alam.


"There's this logic question I've read that came from Einstein---" sabi niya.


Nasamid si Jungkook at nabulunan kaya uminom siya ng tubig, "Biro lang, sige kay Uncle Namjoon mo na lang i-tanong yan, baka absent ako sa school nung tinuro eh, hehehe."


Pag-katapos naming kumain, tinawagan ni Jungkook si Namjoon oppa.


"Hello, hyung... Oo, punta kami diyan nina Eunbi... Oo kasama yung kambal, may itatanong daw sayo si Minah eh... Ahhh, ganun ba?... Sige, sige... Bye..." binaba niya ang tawag at tumingin samin.


"Nandun daw siya sa bahay nila Taehyung, pati ata si Yoongi hyung at Hoseok hyung," sambit niya sakin.


Tumango ako at nag-lakad na kami papunta sa parking lot.


Nag-drive kami papunta sa bahay nina Taehyung oppa habang yung dalawa eh nagda-daldalan sa likod.


"I like Sleeping Beauty better," dinig kong sabi ni Minnie.


"Why? All she did was sleep though, and her fairy godmothers prioritized giving her singing skills than knowledge. Who does that?" nandidiring sambit ni Minah.

"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon