"Tigil tigilan mo na kasi ang pagkaka-Maria Clara mo. Tignan mo, naunahan ka na ng bunso ninyo! Aba, C! Sa edad natin double time na dapat! Kung papa demure ka pa, baka matuluyan ka na talaga sa pagiging matandang dalaga."
Napabuntong hininga ako sabay sip sip sa signature chocolate frappe na iniinom ko. Nandito kami ngayon nakatambay sa StarBucks ni V, short for Veronica na best friend ko. At kanina pa ako rinding rindi sa "homily" niya na naman sa akin. Katatapos lang ng shift namin. Kaya eto, 3pm at nag papalipas ng oras bago umuwi.
"E ano na naman bang ipinag lalaban mo? Alam mo V, kumbaga sa buro, mas matagal inimbak, mas masarap. Kung baga sa antique, mas luma, mas mahal ang presyo.
Kaya mahal ako! Mahal ako V. Antique na to no. Alangan naman, iprineserve ko, tapos I "Clearance Sale" ko Lang, 50% off ganun? Tapos hindi iingatan, warakin lang ng kung sino? Aba, masaya sila!."
Sabay sip sip ulit sa frappe ko. Napapikit at napaungol pa ako sa sarap. Masarap talaga kasi, lalo na kapag maraming whip cream.
"Aba't sa sobrang buro mo jan, mabubulok na lang yan ng di mo man lang natitikman ang sarap. Sayang naman ang experience! Masarap yun, sinasabi ko sayo kaya i-try mo na."
Hinampas niya pa ang table namin para lang intense and to make a point. Echusera talaga. Napatingin tuloy at nagtawanan ang grupo ng babae sa katabing table namin.
Nilakihan sila ng mata ni V.
"O di ba? Tama naman ako? Masarap naman talaga."
Nag agree yung mga babae. At naki pag appear pa ang lukaret.
"O bakit? Sinabi ko bang hindi masarap yun, kaya hindi ko ginagawa?"
Nagtawanan ulit yung kabilang grupo. Kung malisyoso lang ang nakikinig sa amin, maeeskandalo sa pinag uusapan namin. Pero kasi di ba?
Masarap naman kasi talaga mag-mahal. At hindi ko binuro ang puso ko ng napakatagal kung ibibigay ko lang sa kung sino sino at wawarakin lang.
"Maiba ako, I chicka mo na sa akin yung gwapong boylet na naghatid sayo kanina."
Hinampas ako ni V. Dahil naka-move on na pala siya sa kakatawa.
"Yun nga, okay na sana. Mabango, gwapo, maganda ang mata, may dimples, drop dead gorgeous pag ngumiti. Ang kaso, pumasok ako sa car niya nang wala akong kaayusan! Wala akong kilay! Daig ko pa kalalabas lang ng painting ni Leo!"
Humalakhak na naman ang luka luka.
"O, kahit naman pagkatapos ng mata mo, e noo agad ang makikita. Isipin mo na lang, kagaya ni Mona, isa ka namang "obra".
Sinamaan ko siya ng tingin. Kasi totoo naman. I am beautiful. At hindi lang iyon dahil sa sinabi ng nanay ko sa akin. Kung hindi dahil, totoong maganda ako. Everyone could see that. I got beautiful oval face, pointed nose, natural red kissable lips, almond shape eyes with long eye lashes. I have a slim body sa height kong 5'6. 24 waist line, gorgeous bottom, long and shapey legs.
Pero dahil nga, you really can't have it all, there are still two things that I ache to have.No. 1:
Dahil nga payat ako, at never akong tumaba ever in my 28 years of existence, hindi ako tinubuan ng malaking hinaharap. Pero meron naman, syempre kahit papaano. Hindi nga lang kasing laki ng sa kakambal kong si Michelle na cup C. Kung itatabi sa akin, ay kanya Mt. Apo, sa akin, chocolate hills.No. 2:
Ang isa sa pinaka importante na parte sa mukha ng babae. Kilay! Wala ako noon. I meant, meron naman, manipis nga lang. Sa sobrang nipis, sa malayuan, mukha akong alien na pagkatapos ng ilong at mata, noo ko agad ang makikita. So, I am really thankful to that person who created and launched "eye brows pencil and gel". Whom I think I shared the same sentiments. So, as they say "Kilay Goals" it is! ang peg ko lagi.
BINABASA MO ANG
This I Promise You
Ficción GeneralMaria Criselda Gomez Story Sabi nila, bawat tao daw parang kaldero. Lahat daw may takip. Lahat may nakatakdang kapareho. Pero paano kung 28 na taon na simula nang magsaing ka, mapapanis na ang sinaing pero wala pa din ang takip ng kaldero mo? Hangg...