Chapter 20: settled

1.6K 71 13
                                    

ALYSSA'S POV:

           For the meantime ay kinalimutan ko muna si Prudencia. Meeting Dennise once again brings excitement to me this morning. It's just me and her again.

         "Ano ba 'yan anak?" Sita ng Daddy ko. "Kanina ka pa paikut-ikot sa salamin, nadidistract ako sa pinapanood ko. Para kang may date! Ano na ba kasi nangyari sa inyo ni Kiefer noon? Pinakawalan mo ba, maayos naman na bata?"

         "Akala ko ba ayaw niyong magboyfriend ako noon? Ngayong sumunod ako, dami niyong angal no?"
         "Para kasing masyado ka namang nagseryoso."

          Biglang may nagdoorbell. Si Dad ang nagbukas. Oh my! Si Denden na! Why is she so early nemen? Kainis, alas diyes  y media pa lang?

        "Oh hija, tuloy ka," malugod na bati ng tatay ko. Sus! Kung alam lang niyang ang babaeng 'yan ang mapapangasawa ko!

        "May lakad ba kayo? Kamusta ka na? Mabuti naman at nagtagpo kayo dito sa Baguio. Miss na miss ka na ng kaibigan mong 'yan."
        "Po?" takang tanong ni Den. Lumapit na ako sa kanila baka ano pa maibuko sa akin ni Daddy.
        "Ah wala wala. Hindi kasi nakipag-close itong anak ko kung kahit sino mula ng lumipat dito. Wala raw tutulad sa 'yo bilang bff niyan."
        "Ay ganun po ba?" Denden smiled at me. Huwag siyang gumanyan at dumadagundong ang puso ko.
        "Ah dad…. Ano ah… dun na lang po kami sa room ko. Mukhang kanina mo pa inaabangan ang palabas na 'yan eh no?"
        "O sige, umakyat na nga kayo. Papahatid na lang ako kay manang ng food."
        "Oh no Dad. Lalabas po kami."
        "With boys?"
        "Aahh… opo, with boys." I lied. Haaay! Di na naman kasi ako titigilan ni Dad eh. Tumingin naman sa akin si Denden. Umiwas na lang ako.

         "Ohh.. Kaya pala ikot ng ikot ang dalaga ko sa salamin. May date pala talaga."
         "Hay naku Daddy! Halika na nga Den," sabi ko sabay hawak sa wrist niya. Kumabog muli ang dibdib ko. I felt something. Something I can’t explain. Basta iba.

         Paakyat ng hagdanan ay gusto ko sanang bitawan ang kamay ni Denden pero siya ang hindi bumibitiw. Hinayaan ko na lang. Pagpasok namin ng kuwarto ay pinaupo ko muna sya sa kama ko. I saw her glanced sa sutff toy na bunny sa ulunan ng bed.

        "Buhay pa rin pala 'to," tanong niya sabay yakap kay Bunny. Nasa harap ako ng aparador ko. Hindi ko pa rin maisip ang tamang isusuot ko. Kainis talaga.

         "Ah oo naman. Pag special naman ang isang bagay sa akin, mahalaga forever. Ikaw? Asa'yo pa ba ang partner niyan?"
        "Hmmm…. Well tinago ko na siya sa attic."
        "Ahhhh…"
        "Andami ko na kasing stuffed toys. Pero maingat ko naman 'yong tinago kasi for dry clean. Marumi na kasi. Si Bunny kasi lagi kong katabi sa pagtulog kaya't masyado na siyang expose sa dirt. Plus the fact may certain scent siya na ayaw kong mawala kaya ayaw kong labhan."
          "Scent?"
          "Yup. Nakalimutan mo na bang inesprayan mo siya ng pabango mo dahil sabi mo, kahit wala ka parang yakap na rin …. kita."

          Napatigil ako sa ginagawa ko at humarap sa kanya.

         "What happened Ly? What happened to you? Bakit bigla kang nawala?"
         "I --- I don’t want to remember."
          "Miss na miss kita Ly. I've longed for this moment to be with you again but I need to clear my  mind. Mabigat sa loob eh."
          "Do you want to talk about it now?"
         "Can we?"

          Sinara ko ang aparador at sumandal sa dingding, sa gilid ng bintana. Sa mga puno sa labas ako nakatingin.

          "Sorry Den. I want to take this chance to say sorry. Naging duwag ako at binulag ako ng selos. Ewan ko ba."
         "Selos? Parang ko yata ang may mas karapatan sa damdamin na 'yon."
         "Bakit naman? Ang alam ko eh ikaw ang humiling na huwag na tayong magkita. Ang unfair mo lang kasi. Noong una, tinanggap ko ang accidental kiss niyo ni Myco sa lips.
Pero 'nung pinakita ni Laura ang picture niyo na nakahalik sa pisngi mo si Myco, hindi ko na na-take. Parang hanggang kailan ka magsisinungaling sa akin?"
          "A-anong picture? From Laura? Ano? Di ko magets?"
         "Yup. That night pinakita sa kin ni Laura ang kuha niya sa cellphone nya na naka-kiss sa cheek mo si Myco."

          "Oh yeh… Laura again. Sana tinanong mo rin siya kung ano ang tunay na istorya diba? Nahusgahan naman ako agad. O kaya sana, ako mismo tinanong mo. Tsk. I remember that scene Ly. They were just teasing Myco. Binasted ko na siya after that night. Alam kong ayaw din ni Myco gawin 'yon as a respect pero nabuyo nila ni Laura at Ryan na gawin yon.
Sabi ko na nga ba't may hidden agenda ang babaeng 'yon. So, kanya palang camera ang nagflash that time. Ang galing nga naman."

         Tiningnan ko si Denden. Mukha namang totoo ang sinasabi niya knowing Laura tried to tease me too that night. And oh, the kiss!

         "Did you see us? That night? Me and Laura?"
         "Yup. Masakit 'yon Ly. Sobrang sakit. Hindi ko nga alam kung bakit parang sobrang lalim ng hiwa sa puso ko ng masaksihan kong naghahalikan kayo, sa balwarte nya."
          "Hindi kami naghahalikan! I mean, siya ang humalik kung 'yon ang naabutan mo. Nabigla rin ako no'n."
         "Sana nga …. Sana nga nakita kong lahat na hindi ka nga nag-enjoy."
         "Bakit ka ba napunta sa lugar ni Lau?"
         "Nagpasama si Ryan na may kukunin daw sa isa naming classmate, sa parehong dorm ni Lau. Hindi kita mareach sa cp mo that time. Kasama ko si Ryan sa isang activity sa council kaya kasama ko siya. Then we both witnessed the kiss."

           "I was wrong in trusting Laura. I'm sorry. Whatever the reason kumbakit nagpagamit si Ryan kay Laura, hindi ko alam pero feeling ko, it was planted."
         "Ha?"
         "Yes. That night Laura professed her feelings towards me. I rejected her. At first, alam kong a hug of goodbye lang 'yon pero bigla niya akong hinalikan at sya namang dating nyo. Ang galing ng timing isn't it? Perfect talaga. Umuwi akong naguguluhan. Hanggang makatulog at hinintay ka. Pero walang Denden na dumating. So I understand now why you did that thing. Ang umalis at iwan ako sa dorm at sabihing mas mabuting huwag na tayong mag-usap. Ang sama rin ng loob ko no'n kaya nakapag-decide akong magtapos dito sa Baguio."

          "Pero hindi ka ba sinundan ni Laura? Hindi na rin siya nagtapos sa school at press release niyang sa Baguio rin siya mag-aaral."
          "Baka 'yun ang gusto niyang iimply sa lahat. Na naging kami nga. Pero hindi. Walang kami. Hindi ko alam kung nasa'n siya. I replaced all my simcard and departed myself sa social media. Para mas madaling makamove-on. Ikaw? Hindi ka ba pinursue ni Myco?"
         "We're friends."
         "Until now?"
         "Yes…and he's engaged now. Arranged marriage."

         Umalis ako sa pagkakasandal sa pader at lumuhod sa harap ni Denden. Ginagap ko ang kamay niya. Kung ako ang nasa katayuan niya noon marahil ay mas pa ang mararamdaman ko.

          "I'm sorry Dennise. I'm so sorry. Kung di ako nagpadala sa galit ko, hindi sana tayo nagkahiwalay."
          "My fault too. Hindi rin ako nag-initiate na linawin ang lahat. Tumayo ka nga muna dyan ano ba!"
          "Not until I'm forgiven."
          "Ano ka ba! You're forgiven since that night. Inisip ko na lang na… ayaw mo lang akong saktan bilang kaibigan dahil alam mong magrereact ako kung sasabihin mong mahal mo si Laura. Tinanggap ko na that night na…."
           "Na?"
          "Lesbian ang bestfriend ko at hindi niya ako type."

         Sabay kaming tumawa tsaka inalalayan ko na siyang tumayo.

         "Den… babawi ako. Let me marry you para maayos ang gusot sa pamilya mo. Isang taon lang naman at open ako sa divorce. Kaya kong isekreto 'yon sa pamilya ko. Den.. seryoso ako."
         "Ly…"
         "Please? Ituloy natin. For Ynnah, for Lucio, at sa kasalanan ko."
         "Okay na Ly. Don’t bother. Pero kung mapilit ka, hindi ako tatanggi. Inaasahan ng angkan ko ang pagpapakasal ko. Bahala na."
         "Single ka ba talaga? Baka may sumigaw ng itigil ang kasal pag ceremony na?"
        "Hahahah! Baliw!"
         "Den… Namiss kita. Sobrang miss kita."

        Niyakap ako ni Den at napayakap na rin ako.

      "I miss you too, Ly."

****************

Ty...

Shan

Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon