chapter thirteen.

9.2K 113 6
                                    


[Lauren's POV]

Three months later..

"Say aahh baby." Nandito kami ngayon sa kusina. Habang pinapakain ni Ivan si Ivannah. Nagluluto ako, bawi lang sa mga months na puro si Ivan ang nag aasikaso.

Three months old na si Ivannah. She is very charming. Todo alaga si Ivan sakanya. Minsan nga parang iniisip ko, mas nanay pa siya kaysa sa akin.

"Kyaahahaha." Tawa lang ng tawa si Ivannah habang nagmemake face si Ivan sa harapan niya. Pinagmasdan ko silang dalawa.

Sino nga bang mag'aakalang hindi niya tunay na anak si Ivannah? The way he makes my child so special.

Kung iisipin, may pagkakaparehas ng hulma ng mukha ang dalawa. Para silang mag'ama talaga. Pero meron ding pagkakamukha si Ivannah at Daniel. Si Daniel naman ang tunay niyang ama kaya hindi malayong maging magkamukha sila.

"Pwee.. Kyahahahahahaha.~" Napalingon naman ako kila Ivan. Pfffttt...

"HAHAHAHAHAHAHA!!" Hindi ko napigilan ang tawa ko at napagtawanan ko na sila. Hihi. Ang cute nila.

"Mommy mommy! Look at baby Ivannah, dinuraan niya ako. Huhu." Parang nagmamakaawang sabi sa akin ni Ivan. Pfft. Hahahahaha! Natatawa talaga ako. Nakikipagharutan na sakaniya si Ivannah. Kumuha ako ng tissue saka pinunasan si Ivan.

"Kasi naman daddy, pinapakain mo, tapos pinapatawa mo yan tuloy."

"Sorry mommy..~" Saka ako niyakap ni Ivan sa bewang dahil nakatayo ako at nakaupo naman siya.

"Hi there lil bro! Lauren and baby Ivannah! I brought grocery!!" Napalingon naman kami at nakita ko si Ate Daniela na may dalang paper bags. Lumapit naman ako saka bumeso kay Ate Daniela.

"Hindi mo naman kami kailangan ipag'grocery ate."

"But I want to! You can't stop me. Wait, ji Ivannah!!" Lumapit naman si Ate Daniela kay Ivannah saka binuhat. Hinalikan ni Ate Daniela sa pisngi si Ivannah.

Yumakap naman si Ivannah kay Ate Daniela. "Labas ko lang si Ivannah ha! Magsiswing kami sa labas." Saka lumabas sila Ate sa may garden.

Binalik ko nalang ang atensyon ko sa niluluto ko. Ilang minuto ay pinatay ko na din ang stove nang bigla kong maramdamang niyakap ako patalikod ni Ivan.

"Hmm. Nasolo na din kita." Sabi ni Ivan habang nakasiksik sa leeg ko.

"Oh. Hahahahaha! Wag nakikiliti ako." Saka ako humarap kay Ivan.

Lumapit sa akin si Ivan hanggang magkadikit na ang ilong ko sa ilong niya. May maliit na distansya ang namamagitan sa amin pero tinawid niya yun saka ako hinalikan.

He kissed me passionately like what he always do. I responded to his kisses. Bumaba ang halik niya papuntang leeg ko. Bumalik siya ulit sa bibig ko.

Naramdaman kong binuhat niya ako papuntang mesa. Nakaupo ako sa may mesa. Habang hinahalikan ako.

Bigla siyang huminto at tiningnan ako sa mata. "Are you ready for this, Lauren?"

Napalunok ako habang nakatingin kay Ivan.

"Yes, Ivan." Hindi na siya muling nagsalita nang hinalikan na niya ulit ako sa labi pababa hanggang leeg.

He nibbled my earlobe napahiga ako sa mesa.

"OMG! OMG! SORRY SORRY!" Napalingon ako sa nagsalita. Si Ate Daniela pala habang tinatakpan ang mata ni Ivannah.

Natulak ko naman si Ivan at tumayo. "oh my gosh. Sorry Ivan!" Saka ko tinulungan si Ivan tumayo.

"Hihi! Kayo ha! Three months old palang si Ivannah balak niyo na sundan. Tsk tsk. Hihi! Lalabas lang ulit kami ha!" Saka umalis si Ate Daniela. Napatingin naman ako kay Ivan na nakapokerface lang sa akin.

"Maybe some other time daddy." Sabi ko kay Ivan saka siya niyakap. Yumakap naman siya sa akin pabalik.

"Okay mommy." Sabi niya.

*Ringgggggg.....

"Sagutin ko lang mommy. Wait." Saka sinagot ni Ivan ang tawag.

Umupo naman ako sa upuan saka tiningnan si Ivan.

"Okay. I'll settle it up." Narinig kong sabi ni Ivan. Oh, it's about business.

Bumalik si Ivan saka umupo sa harapan ko.

"Lauren, about the company."

Napatigil siya at tumingin sa akin.

"Meron akong deal na kailangang ayusin within this week. I'll be gone in a month." Napatigil naman ako at napatingin kay Ivan. 1 month? 1 month siyang mawawala?

"Iiwan mo kami ni Ivannah dito?"

"Babalik naman ako. Saka kapag natapos ng maaga ang deal, pwedeng maging one or two weeks lang akong wala. Wala ng ibang gagawa nito eh. I need to be there." Parang ayokong umalis si Ivan.

"Babe," Hinawakan niya ang pisngi ko. "Babalik din ako."

"Ayoko Ivan," Sabi ko habang umiiyak. "Wag kang umalis please." Niyakap naman ako ni Ivan.

"Babalik naman ako eh! Eto talaga, saka dito ko na din papastay-in si Ate para may makasama ka. Promise babalik ako. Promise." Kailangan si Ivan dun, Lauren. Hindi lang sa akin umiikot ang buhay ni Ivan. Kailangan kong matutunang may iba ding may kailangan kay Ivan. Like his company.

-

"Hay nako Lauren, nevermind my lil bro. He wont do something he'll just regret. At subukan niya lang mambabae nako! Ako ang unang kakalbo sakanya."

"One kilo of this please... You know ate, natatakot lang naman ako na baka hindi siya bumalik." Nandito kami ngayon ni Ate Daniela sa grocery. Bumibili ng foods and whatsoever. Si Ivannah naman nasa bahay kasama si Ivan.

"Lauren, it's just a month. Hindi mo mamamalayan at lilipas din yan."

"Sabagay ate, — ah!" Napatigil kami ni Ate Daniela nang matapunan ako ng tubig ng babaeng nasa harapan namin.

"Hey freak! Sa susunod tingin sa dinadaanan mo ha!" Sabi ni ate Daniela habang pinupunasan ako. Napaharap naman sa akin ang babaeng nakatapon sa akin ng tubig.

"Lauren/Christine." Sabay naming sabi.

"Ha! What a small world. Nagkita pa tayo. Maybe this is God's will." Sabi ni Christine habang nakasmirk sa amin.

"Ate, tara na."

"Bakit? Takot ka bang makita ako?" Sabi ni Christine saka ako hinablot.

"Hey bitch! Let go of her!" Saka ako hinila pabalik ni Ate.

"Ikaw ang bitch!" Nagulat ako ng sampalin ni Ate si Christine. Napahawak si Christine sa pisngi niya.

Umalis kami ni Ate habang ako halos maluha luha na. Binayaran ni Ate ang pinamili natin saka umalis. Pumunta kami sa isang restaurant.

"Siya ba si Christine? Yung babaeng umagaw sa daddy ni Ivannah?" Seryosong tanong sa akin ni Ate Daniela.

"Oo. Siya. Hindi ko maintindihan kung bakit ang laki ng galit niya sa akin. Napatawad ko na sila. Pero siya? Hindi ko alam kung bakit nagkaganun siya." Humigop si Ate sa shake niya.

"Insecurities. Insecurities. Yan ang dahilan kung bakit ganyan! Tss," Napasuklay naman si ate sa buhok niya.

"Wag ka mag'alala. Nandito na ko para ipagtanggol ka! Nako, subukan lang niyang lapitan ka, naku ipapakain ko siya sa heels ko. Tch!" Napatawa naman ako sa sinabi ni Ate Daniela. Ang swerte ko at gusto ako ng ate ni Ivan. Kahit na disgrasyada ako.

-

SORRY KUNG MAIKLI BITIN OR WHAT HIRAP KASI PAG MENTAL BLOCK ANG WRITER ARGH YOKO NA MABROKEN HEARTED AZARR HIHI ENJOY NALANG PO

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon