The paranoid meets the gamer.

62 1 0
                                    

[DENISE ROMERO'S   POINT OF VIEW]

"Oy Classmate?! Pahingi nga ng papel!!!"

Kapal naman ng lalaking to! Siya na nga yung naghihingi tapos sinisigawan pako. Eh hindi naman kagwapuhan ah! 

"O Ayan! Utang yan ah!!!! Wala ng libre ngayon! Php 10.00 each yan! " ---sabi ko sakanya sabay irap AT TALAGANG DINADABUGAN KO SIYA PARA MAHIYA NAMAN KAHIT KONTI.

" Ano to ginto? Ang mahal naman! pero sige lista mo muna no? Bayaran nalang kita, nakakahiya naman sayo. Bye! Hahaha " --- at tumatawang umalis si Simon.  

Parang siraulo talaga.. 

Hindi man lang nag pa THANK YOU -.-

"Thank you Denise! ^_________^ " --- narinig ata ng ulol na yun at biglang nagpa- Thank you?

*Araw-araw puro ganyan ang naririnig ko kay Simon. kung hindi man papel, polbo naman yung hinihingi.

Mukha ba kong pabrika ng papel at polbo?

Pero syempre sanay nako, Malapit ng matapos ang second semester e tsaka puro ganyan ang eksena sa room araw-araw kaya masasanay ka talaga.. diba?

*KINABUKASAN...

Calling....

0918-536-3954

Aba?! Sino naman kaya to?

Tot.

"Hello? Sino po ito?"

[Hello Denise! Si Simon to! Hahaha]

"Simon?? O bakit? Maghihingi kang polbo nu?"

[Hindi ah! Nakitawag lang si sabrina sakin. Hintayin mo daw siya sa gate]

"Ahh ganon ba? Okay sige"

[O pano bayan, save ko nalang number mo ah! Bye! :)]

'Ano pa nga ba? ^^."

Tot.

CALL ENDED.

TUTUT TUTUT.. (BEEP NG CELLPHONE KO)

FR: SIMON [0918-536-3954]

"Mukha talaga siyang unggoy!

Kahit anong pagpapaganda mo

wag kang feelingera okay?"

#MakeThemFallForMe 

#GM

"Ang gay naman mag GM ng lalaking to. -.-" nasabi ko nalang sa isip ko

 ''Hoy Denise! Tara na! Bakit ganyan hitsura mo? Para kang nalugi ng 1 million" - sabi ni Sabrina saken bestfriend kong makulit.

"Gawin mo ng 2 million Sab! haha. :D " pagsakay ko sa biro niya.

"Tara na nga! Gutom nako, gusto ko ng umuwi!''

*Habang naglalakad papunta sa paradahan ng mga jeep*

"Denise!"- sigaw nung lalaki

"O Ano?! Napano ka na naman?"  ang weird talaga nitong si Simon bigla nalang sumusulpot kung saan-saan.

"Pahingi ng polbo!" sabay smile ^___________^V 

"Ay ano ba yan! Pati ba naman sa labas ng room magpopolbo ka parin? Pauwi na e"

"O syempre! bayaan mo. Haha"

"Ayt! madami ka na talagang utang sakin niyan!"

"Opo. ilista mo muna no? sige bye!" :) tumalikod na si Simon pero lumingon ulit sakin. "Oy denise wag kang masyadong nagpupuyat kakalaro ng Counter no! tignan mo mukha kang zombie! Haahaha '' -pang aasar niya. B-U-L-L-Y

"Tseh! bwisit ka Simon! pagkatapos kitang bigyan ng polbo! hahaha :D humanda ka bukas!" natatawa nalang ako habang sinasabi ko yun sa lalaking yun.

"Bye!" pahabol pa niya.

*At umalis na si Simon*

"Oy Denise? Close pala kayo ni Simon? e diba may issue sila dati nung girl na hate na hate natin. remember? Hahahaha" - medyo may pag ka chismosa kasi kami ni Sabrina kaya pagpasensyahan niyo na. hehe

"Chismosa mo girl! Haha"

"Parang ikaw hindi nu? Tara na nga!"

 "Hindi kaya! Konti lang" -Palusot ko kay Sabrina. hehehe :)

 "Gaga!! ^.^''

 Medyo masaya yung araw ko ngayon.. halata naman diba? pero abangan niyo yung mga susunod na araw.

kung pano unti-unting maging bitter yung mga araw ko sa school na to  -.-

My weird lovestory ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon