We broke up.
And he said he'll be back.
*teary eyes*
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
'Ang pag-ibig, nariyan lang yan sa tabi-tabi pero kapag tunay na pag-ibig, mahirap hanapin. '
Ano nga namang pinagkaiba ng pag-ibig lang sa tunay na pag-ibig? Teka, may peke bang pag-ibig? Meron ba? Uhmmm.
Ang tunay na pag-ibig daw ayon sa aking mga kaibigan e pwedeng nakasalubong mo na ng 'di ka lumingon dahil sa dami ng iniisip mo sa school, thesis, exam ,finals, quiz, report, research, assignment, plays, o kung anu-ano o kaya nakatabi mo na sa jeep kaso minabuti mong basahin notes mo sa science dahil sa long long quiz na pangako ng lintek mong teacher na paulit ulit nalang ang linyang 'If you fail means you fail to prepare. So expect' siya lang naman ang teacher na wala ng ibang ginawa kundi magpaquiz araw-araw, long long quiz pa naman, o marahil si true love ay friend mo lang pala sa facebook na chinachat ka na kaso seen lord ka kaya deadma, pwede ding classmate mo na kaso invisible siya sayo kasi mahirap kang maka-appreciate ng mga tao sa palibot mo, masyadong busy-busyhan napapabayaan na ang 'buhay' , o kaya best friend mo lang pala kaso walang aminan sa isa't isa kasi takot na baka kapag 'di nagwork e maging enemies tulad ng maraming bitter diyan sa tabi-tabi, pwede din namang baka yung childhood crush mo na pinili mong di pansinin dahil hanggang ngayon asar na asar ka parin sa kanya sa mga tukso niya sayo, teka pwede ding yung dream guy mo pero di ka umasa kasi imposible o ang masaklap nito, e naging kayo na pala ng letcheng truelab na yan pero bumitaw ka lang sa kanya dahil sa 'space' na yan! kung bakit kasi papasok sa relasyon tapos hihingi ng space, eh kung ipatapon ka sa moon? doon ka nababagay sa outer space! Tapos ngayon may bago siya, gusto mo namang bawiin? Space muna tsong! Diyan ka na sa space na yan. Haynako buhay! Ang saya.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------