I. FIRST DAY

8 0 0
                                    

“BRO! kumusta ang bakasyon??” sabi ni Jeric kay James.

“Ok na ok bro! ang daming chikababes dun sa pinagstay-an namin ni utol sa Baguio!”

“Naks naman! walang kupas ang kapogian mo bro! lakas maka-Pogi Problems!”

“Ay te! Di kami talo!” pang babakla na naman ni James. Nagkatawanan sila pareho. Pati yung iba nilang kaklase natawa na rin sa lakas ng boses ng dalawa.

“Ay sorry naman te, Ganda Problems pala yan eh! Kakaloka ka te!” at nagbaklaan na nga ang dalawa.

“Saan po ba yung room 225?” tanong ko sa isang estudyante na nakasalubong ko sa corridor.

Ako nga pala si Nicole, nasa 4th year college na ako. Transferee ako dito sa school na ito. Nangangapa pa ako sa direksyon kaya nagtatanong tanong ako sa nakakasalubong ko. Pakapalan na lang talaga ng mukha, pero sa totoo lang ayoko ng ganito. Yung pinagtitinginan ka kasi bago ka sa paningin ng mga tao dito. Kaya nakayuko ako lagi.

“Sa 2nd floor yan ate. Pag galing ka ng hagdan ng 2nd floor, turn right ka. Diretsuhin mo lang yun at makikita mo na ang room 225.” Sabi ng napagtanungan ko.

“ok, salamat po!”

At ng makarating na ako sa tapat ng room 225, kinakabahan talaga ako. Ang ingay ng mga estudyante sa loob. Ako pa naman yung tipong di masyadong nagsasalita. Natatakot akong pumasok. Pero nandito na ako eh, si papa kasi e. bakit kasi kailangan pa akong magtransfer dito. Ok naman na ako dun sa school na malapit sa bahay.

At dahan-dahan ako pumasok sa room at madali kong hinanap ang bakanteng upuan at umupo na ako. Mabuti na lang at di naman nila ako pinansin.

Pero maya maya pa ay may isang babae na nakatayo na sa harapan ko.

“Excuse me. Pero dyan ako nakaupo. Bago ka ba dito? Lumipat ka na lang ng ibang upuan. Or kung gusto mo lumipat ka na lang ng ibang room.” Sabi ng babaeng nagngangalang Mia. Nagkantyawan din ang mga bruhildang katropa nito.

“Sorry miss, sorry.” Sabi ko sa kanya habang nakayuko pa rin. At tumayo na ako sa upuan nya raw.

“Ang bastos mo naman. Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa iba?” nagtataray na sabi ni Mia. At hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso. Pinipilit ko tanggalin ang pagkakahawak nya kasi nasasaktan na ako.

Totoo pala yung mga napapanuod ko sa drama sa tv. Yung mga binubully totoo pala yun. At eto nga ako, kakatransfer ko lang binubully na agad ako. Grabe ano bang meron sa eskwelahan na ito! Ayoko na dito!

“Mia, ano ba.” Sabi nung lalaki na nagngangalang James. At binitawan na ako ni Mia. Hind ko alam kung magkaano-ano sila at sa salitang yun lang ni James ay huminto na si Mia.

“Dito ka na lang umupo miss, walang nakaupo dito.” Sabi ni Jeric.

“Thank you.” Sabi ko sa kanya habang nakayuko pa rin sabay umupo na ako.

“Pagpasensyahan mo na si Mia ha. May toyo lang talaga yan.” Sabi naman ni James.

Medyo natawa ako sa sinabi nya pero di ko na pinahalata na natawa ako, kasi baka makita pa ni Mia at pagmulan na naman ng gulo.

At dumating na ang teacher namin…

“nakilala nyo na ba ang bagong transferred student dito? Oh, halika dito girl, at magpakilala ka sa kanila.” Sabi ni sir Pau. Tumayo na ako sa harapan, pero hindi na ako masyadong nakayuko.

“My name is Ann Nicole Choi.”

“Mukha kang hindi pure pinoy. Magkwento ka naman ng konti girl.”

“Korean po ako. Last year, my father decided na dito na kami magstay sa philippines.”

“oh, annyeong! Buti marami ka ng alam na tagalog words?” biglang sabi naman ni Jeric.

“hindi ganun karami.” Sabay ngiti ko sa kanila.

“oh class, pang international na pala itong school natin. Ang galing mo na magtagalog ha! Class, Be good to her ha! Be good! Ok Nicole, take your seat na. since marami kang hahabulin sa lessons natin, magstart na tayo. Arraseo?” sabi ni sir.

Natuwa ako kasi marunong din pala sya mag-korean. Tinanguan ko nalang sya sabay ngumiti. Ng makaupo na ako, “Sabi na eh! Koreana ka!” bulong ni Jeric sa akin. Nginitian ko na lang sya.

“Wag mo na lang pansinin yan, makulit talaga yan. Jeric, wag ka nga jan.” sabi ni James kay Jeric.

“Ito naman, winewelcome ko lang naman sya. Anyway, welcome sa bago mong school!” sabi ni Jeric, sabay tinigilan na nya ako.

Ano kayang meron dito kay James, at nakikinig at sumusunod sa kanya ang mga classmate namin? di naman sya mukhang matanda. Anak kaya sya ng presidente ng school namin? ay bahala na nga. Bat ko ba inaalala yun? Kailangan ko magfocus sa studies ko dito since graduating na ako.

EXCHANGED IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon