Foundation day.
Pinagprepare kami ng teacher namin ng kanya kanya naming booth.
Kagrupo ko sina Jeric at James dahil sila ang seatmates ko.
“gandahan nyo ang mga booths nyo ha! Ioopen kasi ang foundation day ng school natin sa mga students from other schools.” Sabi ni sir.
The day before the foundation day, busy na ang lahat sa paggawa ng kanya kanyang booths. At kami ni James ang naiwan sa pwesto namin na gumagawa dahil si Jeric muna ang bumili ng mga kulang sa gagamitin namin. so ayun, parang naging getting to know each other yun, kami ni James.
“Tamang tama talaga itong naisip ni Jeric na concept ng booth eh. Tapos ikaw yung mascot. Dapat naka-traditional korean costume ka bukas ha!” pang-aasar ni James.
“tayong tatlo ang mascot no! saka di ako magtatraditional costume dito, masyadong mainit yun eh.”
“Edi kahit anong korean na damit na lang. para mas maraming magpapicture sa booth natin from other schools. kasi korean ka naman.”
“OK. Sige na nga po.” “Salamat pala James.”
“dahil di ka na magtatraditional costume?”
“hindi. Kasi di nyo ako pinababayaan ni Jeric. Lagi lang kayong nandyan sa tabi ko. Di nako nahihirapan sa school natin kasi tinutulungan nyo ako. kayo lang ang kaibigan ko dito sa school eh.”
“Medyo madrama ka po ano? Pero seriously, wala lang yun. Enjoy ka kaya kasama! Hayaan mo na lang yung grupo nila Mia. Ganun talaga ang ugali nun. Gusto nya sya lagi ang bida.”
“Nga pala, kaano ano mo ba sya? Kasi pansin ko nung inaway nya ako at nagsalita ka, tumigil sya.”
“Hmm.. actually, ex girlfriend ko sya.”
BINABASA MO ANG
EXCHANGED IDENTITY
Teen FictionSusundin mo ba kung anong sinasabi ng utak mo at kung anong tinitibok ng puso mo? O mas iisipin mo muna ang sasabihin ng iba tungkol sa inyo?