IV. FOUNDATION DAY

3 0 0
                                    

            Foundation day na!

            Pumasok na kami ng maaga sa school para sa mga finishing touches ng aming booth. Nagcostume na rin kami, para mas makahatak ng pupunta sa booth namin.

At ayun, nagdatingan na nga ang mga taga ibang school. Ang daming tao sa school! Parang pyesta lang.

“Welcome sir! Welcome ma’am! Try nyo po dito sa booth namin!” sabi ni Jeric sa mga nagdadaanang mga estudyante.

“Hindi yata patok ang byuti mo tol. Try mo nga! Yabang neto oh.”

“sige ba, gusto mo pakitaan kita ng malupit?”

“Hi! Hello! Try nyo na dito sa booth namin oh!”

Pero wala pa ring lumapit.

“Ano? Nasaan na yung malupit na sinasabi mo tol?”

“Di kasi kayo nagcostume eh! Ang daya nyo! Sa akin nyo lang pinasuot ito. Ang init init!” nga pala, nakasuot ako ng traditional na korean na damit. Yung katulad nung damit ni Janelle sa Princess Hours.

Natulala sila James at Jeric.

“OH? Bat ganyan ang mga mukha nyo? Ngayon lang ba kayo nakakita ng nakasuot ng ganito? Di ba kayo nanunuod ng Princess Hours? Para naman kayong mga sira eh.”

“TOL! Ang ganda mo syet!” sigaw nung dalawa.

“Badtrip naman tong dalawang to oh! Ayoko na, magpapalit na ako ng damit!”

“Ooops! Wag kang ganyan tol! Parang di naman na to mabiro!”

“Wag ka na magpalit ng damit! Magko-costume na rin kami, yung parang sa coffee Prince nalang. Nandyan na sa paper bag.”

“O sya, ikaw na muna ang bahala dito ha! Magpapalit lang kami ng damit ni Jeric. Saglit na saglit lang!”

“Kainis naman tong mga to oh!” at umalis na nga yung dalawa. Ako naman naiwan sa booth namin. nahihiya talaga akong lumabas! Pero kailangan ko, para kumita yung booth namin, at mabawi ang nagastos namin dun. So lumabas na ako, sakto padaan ang grupo ng mga lalaki mula sa ibang school.

“Annyeong Haseyo!!” sabi ko sa grupo ng mga lalaki.

Tuwang tuwa sila! At ang dami ng pumupunta sa booth namin! di na ako magkanda ugaga sa dami nila!

“Relax lang miss! Take your time, ok lang sa amin.”

“Kamsahamnida!!” sabi ko habang nakatungo at nakasmile.

“Wooh!! Wow! Ang galing mo naman tol! Dagsa ang tao sa booth natin!”

“oy, ayusin nyo ang mga sasabihin nyo ha. Siguro naman may alam kayong korean words? Para naman character na character tayo.”

“Naku sorry wala kaming alam!”

“sabihin nyo na lang, annyeong haseyo. Ibig sabihin nun hello. Saka kamsahamnida, ibig sabihin nun thank you.”

“kamsahamnida!” pang-aasar sa akin nung dalawa.

“wag na nga kayong mang-asar jan! tulungan nyo na lang ako please..”

Ang dami ng nagpapicture sa akin palibhasa ganun ang suot ko, hiyang- hiya na ako sa balat ko. Pero ok lang, ang lakas ng benta ng booth namin. nabawi na namin agad ung nagastos namin.

“WOW! Ang lakas talaga ng benta ng costume natin.”

“oo nga eh, bawi na agad ung nagastos natin.”

“this is the nicest booth so far, di ba girls?” sabi ng isang babae na papalapit na sa booth namin.

“Oh narinig nyo yun ha! Ganda talaga ng idea ko no?” pagmamayabang ni Jeric.

“Neknek mo!” sabay naming sabi ni James kay Jeric.

“oy, mamaya na tayo magkulitan. May mga chikababes na parating!” palusot ni jeric.

Ok back to character ulit.

“Annyeong haseyo! Welcome to our humble booth!”

“wow ate, you’re sooo cute!” sabi ng isang babae.

“kamsahamnida!”

“ang cute nyong tatlo promise! itong concept ng booth nyo, ang galing talaga!”

“wow, sobra na yung papuri nyo. Salamat. Salamat.” Sabi ko na lang sa kanya.

“OMG! I thought you’re korean!”

“yes I am! Pero nagtatagalog naman ako.”

“Wow! I cant believe it. Ang ganda mo pa ate.”

“uy, tama na nga. Baka lumaki ang ulo ko nyan.”

“by the way, im Carrie. Nice to meet you--”

“Nicole. Nice to meet you too!”

“Nice to meet you Nicole! Papicture!”

“bro, tignan mo si Nic oh, may chikababes na kasama.”

“wag ka nga jan bro, magtrabaho ka na lang jan di puro chicks inaatupag mo.”

“Nagme-menopause ka na ba bro? bat ang sungit mo?”

“ewan ko sayo!”

“nice to meet you talaga ha! Mauuna na kami. Good luck sa booth nyo! Bye! ~~”

“kamsahamnida! annyeong!” nagsmile naman si Carrie sa akin sabay umalis na kasama ang mga kaibigan nya.

“tol! Lakas maka-chicks nung kasama mo kanina ha! Anong pangalan nya?”

“ang chickboy mo talaga tol! Carrie yung name nya. Oyy ha! Tigilan mo na nga yang pagiging chickboy mo. Kay rami ng matang pinaluha nyan.”

“HAHAHA! Laughtrip naman yang mga katagang yan tol!” nagkatawanan kami.

“tama na nga! ang sakit na tyan ko grabe ka magpatawa Nic!”

EXCHANGED IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon