Kinagabihan sa bahay habang nag-iinternet ako…
“Uy, may nagfriend request sa akin, sino kaya ito?” pagtingin ko, si Carrie. Syempre in-accept ko. At after nun, nagchat agad sya sa akin.
“HI! Sorry kung medyo may pagkastalker ako ha, at hinanap ko ang fb account mo.” Sabi nya.
“OK lang ano ka ba! Yan ha, friends na tayo ngayon.”
“thanks sa pag accept!”
“thanks sa pag-add!”
*awkward moment, nag-iisip ng topic.*
“ahmm.. sorry ha, kung medyo boring akong kachat.” Sabi ko sa kanya.
“naku hindi ha! Sorry, wala lang akong maisip ngayon, haha!”
“wala ka bang ginagawa?”
“wala nga eh. Hmm, parang gusto kong kumain ng ice cream.”
“tara! Bili tayo ng ice cream!”
“sige, kita na lang tayo sa ice cream shop ha!”
Pagdating ko sa ce cream shop, andun na sya.
“ang bilis mo naman!”
“gusto ko na talaga ng ice cream eh..”
Umorder na kami, at walang humpay na kwentuhan..
“Yung 2 guy na kasama mo dun sa booth mo, sino dun ang boyfriend mo?”
“Naku! Wala ano! Silang 2 lang ang kaibigan ko sa buong school eh, kasi kakatransfer ko lang din. At ewan ko, ayaw sa akin nung mga classmate ko na girls.”
“hala bakit naman! ang ganda mo kasi, kaya ganun.”
“oyy, grabe naman, di kaya ako maganda.”
“maganda ka teh! Ano naman ang ginagawa ng mga girls sayo dun?”
“hmmm.. isang beses pa lang naman nangyari. Nung first day ko dun sa school. Wala pa akong upuan, so inupuan ko yung bakante dun. Tapos may may-ari na pala nung chair na yun. Tinarayan ako ng sobra ni girl. Pero pinagtanggol naman ako ni James at Jeric, yung 2 guy na kasama ko sa booth.”
“grabe naman, very welcoming ang mga girls dun! Kung sa school namin yan, ipaghahanda ka pa namin ng lunch mo.” Napasmile ako sa concern ni Carrie, oo nga ano. Sana sa school na lang nila ako nagtransfer. “ang bait naman pala talaga ng mga kaibigan mo.”
“oo mababait yung 2 yun. Mukha lang talagang mga loko-loko. Saka lagi lang nang-aasar. Pero ok lang. lagi naman sila sa tabi ko eh.”
“May gusto ka na ba sa isa sa kanila?”
“hala grabe naman yung tanong mo.”
“masyado bang personal?”
“hindi, ok lang naman. alam mo sa totoo lang, hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanila. Yung parang kuya ko lang, ganun. Siguro kasi napakaprotective nila sa akin.”
“ah ok. Salamat sa pagsagot.”
“ang pormal naman ng pagkakasabi mo. Uy, pasensya na kung medyo feeling close na ako sayo ha, kahit kahapon lang tayo nagkakilala.”
“hindi yan noh, ako rin naman feeling close, hehe. Friends na naman tayo eh. Alam mo wala akong nakakakwentuhan ng ganito kapersonal sa mga classmate ko. Ikaw pa lang.”
“edi tayo na magbestfriend!” parang medyo nalungkot si Carrie sa sinabi ko. “ayaw mo?”
“gusto ko! Gusto ko! Natuwa ako sobra.”
“oh hayan ha. Kung may ikukwento ka, andito lang ako.”
Simula noon, lagi na kaming magkasama ni Carrie. Kapag maaga ang uwian nya, hihintayin nya ako sa labas ng gate ng school namin. Kapag ako naman ang maaga ang uwian, ako naman ang maghihintay sa kanya sa school nila.
“Pansin namin ni Jeric, mas lagi mo ng kasama si Carrie kesa sa amin ha. Nagseselos na kami.”
“hala, sobra naman kayo makapagselos. Kasama ko naman kayo lagi sa klase ha.”
“ibig naming sabihin, di na tayo nakakapag hang out.”
“sorry naman na mga bro. babawi ako sa inyo. Pramis.”
BINABASA MO ANG
EXCHANGED IDENTITY
Teen FictionSusundin mo ba kung anong sinasabi ng utak mo at kung anong tinitibok ng puso mo? O mas iisipin mo muna ang sasabihin ng iba tungkol sa inyo?