VI. AWKWAAAAAARD

3 0 0
                                    

Madalas na kaming magkasama ni Carrie. Kapag walang klase. Before ng klase. Tuwing break time. After ng klase. Para na kaming pinagbiyak na buko, dahil nga sa lagi na kaming magkasama. Pinababayaan na lang kami ng mga school guards kapag lagi akong nasa school nila, at siya naman sa school namin.

At pansin ko pa, mas lalong napapalayo ang loob ko kina James.

Parang na-aawkward na ako kapag napupunta kay Carrie ang topic naming tatlo.

Parang may kakaiba akong nararamdaman. Parang may mga paru-parong lumilipad sa tiyan ko. Di ko talaga maexplain. Ang alam ko lang masaya ako. Sa kung anong meron kami ngayon.

Minsan nga naiisip ko nga kung nagiging bisexual na ba ako? or kung nagiging lesbian na ba ako? pero kung sa point of view naman ng ibang tao, hindi  naman ako mukhang ganon, or kahit si Carrie man ay hindi mukhang ganon.

Pero may certain feeling talaga akong nararamdaman para sa kanya eh. Yung eksenang may mga guy na nag-aattempt na manligaw sa kanya, ayaw ko ng ganun. Kaya siguro hanggang ngayong ay walang boyfriend si Carrie.

And then one time, nalaman ko na lang na sinagot na pala ni Carrie yung blockmate nya na parang one week pa lang na nangliligaw sa kanya. Hindi na kasi kami masyadong nagkakasama for one week na siguro. Yung mga breaktime na kami yung sabay na kakain sa canteen. Yung mga after class gala namin sa ice cream shop. Wala na.

Medyo sumama ang loob ko. Siguro kasi di nya man lang sinabi sa akin na may nangliligaw sa kanya na mula sa blockmates nya. Ewan ko ba, parang nagseselos ako na ewan. Ang hirap iexplain. Kahit sa sarili ko naguguluhan ako.

One day, nung papasok na ako sa school, nakita ko sya na naghihintay sa labas ng gate ng school namin. hinihintay nya ako. nung nakita nya ako, ngumiti sya at kumaway. Sabay lumapit sya sa akin. Nakita ko na lang ang sarili ko na parang umiiwas ako sa kanya. Yung awkward talaga. Ni hindi ko matagalan na titigan sya sa mata.

“Uy, nood naman tayo ng sine mamaya. Ipapalabas na yung gusto kong panuorin eh! Saka parang one week na rin tayong di nakakagala dahil sa midterms natin.” sabi nya sa akin habang hawak ang kamay ko. Parang excited sya.

“Uhmm. Busy ako mamaya eh, aalis kami nila James. Kayo na lang ni bf mo yung manuod mamaya.”

“Aww, sayang naman. saan ba kayo pupunta mamaya? Sasama na lang ako sa inyo!”

“Wag na, mabobore ka lang dun. Saka baka magalit lang yung bf mo. Sige na, mauna na rin ako. baka malate ka pa sa klase mo. Ba-bye na.” sabay nagmamadali kong lakad papasok ng school.

“Ano kayang problema nun? Parang umiiwas sya sa akin.” Malungkot na sabi ni Carrie.

“Carrie! Oh bakit di ka pumasok sa loob? Nagkita na ba kayo ni Nic?” bati ni James kay Carrie.

“Hi! Kakapasok lang nya eh, nagmamadali pa nga sya eh. Saan pala ang lakad nyo mamaya?”

“Lakad mamaya? Nino?”

“Lakad nyo nila Nic.”

“Huh? Ah.. uhmm.. mamimili lang kami ng gamit para sa org.”

“Ah ganun ba? Ingat kayo mamaya ha? Sige una na ako. bye!” sabi ni Carrie bago pa ito umalis.

“Ano bang problema mo kay Carrie? Nag-away ba kayo? Bakit kailangan mo pa akong idamay. Naku ikaw talaga!!!” sarcastic na bati ni James sa akin.

“Ang awkward kasi tol eh.” Nakayuko kong sagot.

“Awkward? At bakit naman awkward aber? Di ba magbff kayo?”

“Mahabang kwento kasi.”

“Wala raw si sir! Ok guys alam na this!” sabi ng president ng klase.

“O, ayan magsimula ka na magkwento.” Pang-aasar ni James sa’kin.

Nagsimula na nga akong magkwento. Sigurado naman ako na di makakalabas sa iba yung ikukwento ko sa kanya eh.

“Totoo ba yan?” bigla nyang tanong sa akin.

“DI ko rin alam. Confused pa ako. help me naman tol.”

EXCHANGED IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon