“Di ko talaga maintindihan. Habang tumatagal, Sa tingin ko nagkakagusto na ako sa kanya. Tol ano ba sa tingin mo? Tomboy na ba talaga ako?” tanong ko kay James.
Natigilan siya sa sinabi ko. Tingin ko parang nag-iisip lang sya ng iaadvice sa akin.
“Uy tol! Ano sa tingin mo?”
“Di ko alam Nic eh. Ay nga pala, may kailangan nga pala akong puntahan. Sige ha, mauna na ako bye!”
“Teka, saan ka pupunta?”
Nagmamadaling umalis si James.
“Ano kayang problema nung mokong na yun?”
“Kaya pala lately parang iba na sya kumilos. Bakit ka naging ganyan Nicole, bakit?” umiiling na usal ni James sa sarili habang naglalakad.
Ng biglang may mabangga sya, at natumba sila pareho. “ARAY!” sabi ng babaeng nakabangga nya. Tinulungan nya itong tumayo.
“Naku, sorry talaga miss! Sorry talaga!”
“Sa susunod kuya ha. Pero ok lang naman.”
“Sorry talaga.” Sabay lahad ng kamay nya dito.
“Ok na, nga pala I’m Kim.”
“I’m James.”
“Taga-Montessori ka rin?”
“Pano mo nalaman?” sabay tingin sa shirt nya na may print ng name ng school nila. “Ah ok. Oo taga run ako. 3rd year highschool na ako.”
“Taga-run din ako, 2nd year naman ako.”
“well, nice to unexpectedly meet you here Kim! See you na lang sa school! At sorry ulit ah.”
“Ok po! Bye!”
Kinabukasan sa school…
“Tol! Ang labo mo naman eh. Di mo sinasagot yung tawag ko sayo kagabi. Naguguluhan na nga ako e.”
“Dapat ikaw ang nakakaalam nyan kasi. Hindi yung itatanong mo pa sa akin.” Biglang walk-out.
“hala? Nagmemenopause na nga yata talaga si James. Ang aga aga ang sungit.”
“Jeric! Alam mo ba kung anong problema ni James? Lately kasi ang sungit nya. Laging nagwawalk out.”
“Ewan ko dun. Di kami masyadong nakakapaghang out eh. Busy kasi ako sa mga final projects. Alam mo na cramming to the max.”
“sira ka talaga. Anyway, salamat bro ha. Siguro nga busy lang din yun. Try ko na lang sya uli kausapin.”
“ok sige, mauna na ako ha! May tatapusin lang ako sa library.”
“wow, sige good luck bro!”
“nasaan na kaya yun si James?!” *nagring ang phone*
“sawadeeka!” sabi ni Carrie.
“annyeong!” sabi ko naman. “so, thai ka naman na ngayon ha?”
“ok, ok. Tinatapatan ko lang naman ang pagiging korean mo eh.”
“nasan ka ba?”
“nandito sa likod mo.” Sabay binaba na nya ang telepono nya.
“wooh, nagteleport ka ba te?”
“sira! Kanina pa ko dito. Pinatapos ko lang kayo mag-usap nung classmate mo.”
“wala ka ng klase? Kaya ka nandito?”
“oo wala na. ikaw, libre ka na ba?”
“ah oo, katatapos lang din ng last class ko.”
“parang gusto ko kumain ng ice cream, hmmm…”
“nagpaparinig ka ba?” nangingiti naman sya sabay iiling iling.
“tara na nga!”
Habang nasa ice cream shop kami, nakatingin lang ako kay Carrie.
“oh bakit? May ice cream ba ako sa mukha?”
“wala, wala..”
“bakit ka nakatingin? Saka kanina ka pa tahimik, ano bang iniisip mo?”
“lately kasi, I feel confused.”
“confused? Confused saan?”
“kung malalaman mo ba, hindi mo ba ako iiwasan?”
“ang artiii.. kahit ano pa yang i-confess mo, di kita iiwasan. Oh ano na nga yang ikinako-confuse mo?”
“Yung pagkatao ko. Yung feelings ko para sa iyo. I think I don’t like you as a friend.”
BINABASA MO ANG
EXCHANGED IDENTITY
Teen FictionSusundin mo ba kung anong sinasabi ng utak mo at kung anong tinitibok ng puso mo? O mas iisipin mo muna ang sasabihin ng iba tungkol sa inyo?