Natapos na ang araw na yun, parang balisa pa rin si Carrie sa sinabi ko. Ang tahimik nya sa buong byahe namin pauwi sa bahay nila. Habang naglalakad kami sa subdivision nila…
“akala ko ba hindi mo ako iiwasan kahit ano pa ang iconfess ko.”
“im sorry.”
“im sorry kasi, di mo ako matatanggap dahil sa ganito ako?”
“im sorry sa di ko pagpansin ko sayo after mo magconfess. Nagulat lang naman ako. at im sorry sa pagkukunwari na naging kami ng isa sa blockmates ko.”
“Ibig sabihin??”
“OO wala talagang nanliligaw sa akin ng mga time na yun. Ginawa ko lang yun para magselos ka.”
Nangiti na lang ako sa sinabi ni Carrie. “Ibig sabihin gusto mo rin ako?” *awkward silence*
“so.. ano yung sagot mo?” pangbabasag ko sa awkward na katahimikan na naman.
“saan?”
“aww. Kailangan ko pa pala magtanong uli. Ano ba yan.” Nangingiti naman siya.
“Can you be mine?” tingin ko mas lalo syang nagulat sa tanong ko.
“Mukhang hindi ang sagot mo. Sorry ha, if you feel awkward na naman.” Sabay talikod ko sa kanya.
“ang arte mo po. Wala pa nga akong sagot eh. May itatanong naman ako sayo. Ang daya mo kala mo ikaw lang ha.”
“ano naman yun?” sabi ko habang nakatalikod pa rin.
“CAN I BE YOURS?”
BINABASA MO ANG
EXCHANGED IDENTITY
Ficção AdolescenteSusundin mo ba kung anong sinasabi ng utak mo at kung anong tinitibok ng puso mo? O mas iisipin mo muna ang sasabihin ng iba tungkol sa inyo?