Ang laki ng ngiti ko sa narinig ko iyun. After nun, niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit.
“oops. Wag naman ganyan kahigpit Nic, di na ako makahinga.”
“sorry, sorry.. hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya ngayon.”
“salamat ha. Salamat sa pagmamahal mo.”
“salamat din. Salamat sa pagtanggap sa akin.”
Naupo muna kami sa bench na medyo malapt sa bahay nila. At dun muna kami nagkwentuhan.
“Kailan mo pa nalaman na gusto mo ako?”
“Mula nung makita kita. Doon sa foundation day ng school namin, nung pumunta kayo ng friends mo.”
“Binobola mo naman ako eh~”
“totoo yun, walang halong biro. Binakuran nga kita agad sa kaibigan ko nung sinabi nyang chicks ka e.”
“Ay grabe! Naging crush din kita nung araw na yun. Ang cute mo kasi dun sa costume mo eh.”
“Ang cute ko dun noh?”
“ay naku, hindi na nga! Ang bilis lumaki ng ulo mo eh!”
“Oh hindi na po, sorry po..”
“Haha! Tigilan mo na nga yan. Halika ka nga dito.”
“o bakit po miss?”
“may isa lang ako wish sayo.” Lumapit ako sa kanya, sabay tumango tango. “Wag kang magbabago ha, kung ano ka ngayon panatiliin mo yan habang tayo.”
“opo madam, I promise.”
“I mean pati yang itsura mo ha, yung buhok mo. Wag kang magpapagupit, wag kang magpapahaba. Yang pananamit mo, ganyan pa rin, wag kang magsusuot ng binder. Yang pagkilos mo, dapat ganyan pa rin ha. Ayokong may magbabago. Please.”
“ang dami namang request.”
“ayaw mo? Sige ok lang.” sabi nya na biglang nalungkot. “sige uuwi na ako, umuwi ka na rin ha.”
“joke lang! ito naman ang bilis bilis magtampo. Opo susundin ko yang mga wish mo sa akin. Wag ka na magtampo please.”
“ikaw kasi eh. Basta ha, yang promise mo sa akin.”
“OK Carrie. I love you.”
Ngumiti sya. Ipinatong nya ang kamay nya sa balikat ko.
“I love you Nicole.”
Kinabukasan sa school, excited pa ako na ibalta ang lahat ng nangyari kay James..
“tol! Nakita mo ba si James??” tanong ko kay Jeric ng makasalubong ko sya sa corridor.
“ah sya ba? Nakita ko sya sa canteen kanina bago ko umakyat dito.”
“ok salamat tol!”
Pinuntahan ko si James sa canteen, at nakita ko sya kasama ang di pamilyar na babae sa akin.
“tol! Kanina pa kita hinahanap ha!” bati ko kay James habang tinatapik ang kanyang balikat. “oh, hi miss!” sabi ko naman sa kasama nyang girl.
“Bakit mo ako hinahanap? Nga pala si Kim. Friend ko.”
“hi Kim! Im Nicole.”
“anong kailangan mo pala sa akin bat mo ako hinahanap?”
“matinding usapan to bro, mamaya na lang siguro after nyo mag-usap ni Kim. Talk to ya later ha! Bye Kim!” sabi ko sa kanila sabay alis ko na.
“Sya pala si Kim? Ang cute naman nya!”
“Cute nya noh? Di mo aakalaing sobrang mahiyain nyan nung unang pasok nya dito.”
“parang ang saya saya nya ngayon noh. Di katulad nung sinasabi mo na napakamahiyain nya noon.”
“totoo. Masaya ako na masaya sya.”
Biglang tumayo sa kinauupuan nya si Kim.
“oh, aalis ka na? sabi mo mamaya pa ang klase mo?”
“hindi ko na yata kakayanin pa na makita ka. Ang sakit sakit na sobra. Alam kong si Nicole ang mahal mo at hindi mo ako magagawang mahalin. Oo eto, magko-confess na ako sayo. Mahal kita. At alam kong ‘One-way love’ lang ito. Kaya hahayaan ko na lang na mawala ang feelings ko para sayo.”
“Kim…”
“salamat at tinulungan mo akong makaramdam ng ganito. Ngayon ko lang to naramdaman, ang magmahal. Nung unang beses kita makita, sinadya ko talaga na mabunggo sayo. Yun ang unang beses na makita mo ako. pero ako, matagal na kitang sinusubaybayan dito sa school. Sorry ha, kung lumabas na parang stalker ako. pero salamat talaga at binigyan mo ako ng chance para maparamdam ko sayo na mahal kita. Kaya, hanggang dito na lang. sorry sa lahat ng abala na nagawa ko sayo.”
“Kim, im so sorry.” At tinignan na lang ni James si Kim na umalis.
BINABASA MO ANG
EXCHANGED IDENTITY
Teen FictionSusundin mo ba kung anong sinasabi ng utak mo at kung anong tinitibok ng puso mo? O mas iisipin mo muna ang sasabihin ng iba tungkol sa inyo?