“Gising na. baby, wake up! Baby!” nagising ako sa mga katagang yan. Pagdilat ko ng mata ko, si Carrie nasa tabi ko. Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko.
“Carrie!! Ginulat mo naman ako!”
“Sorry ha, nagpaduplicate kasi ako ng susi ng apartment mo. Sorry baby.”
“OK lang. pero, ang aga mo naman na nandito. Di ba may klase ka ng umaga?”
“oo, pero wala kaming prof eh. Kaya dumiretso na ako dito. Kailan ba uuwi ang father mo?”
“baka next week siguro sya uuwi. Nga pala, kumain ka na ba? Teka maghihilamos at magmumumog muna ako, nakakahiya sayo.” Bigla nya akong hinalikan sa labi.
“Kahit ano pang amoy mo, wala sa akin yan.”
“nakakahiya talaga baby. Wait lang ha.”
Paglabas ko ng banyo, nakahain na sa dining table ang pagkain.
“Sorry di na ako nakapagluto, inorder ko lang yan sa canteen. Oh, kumain ka na dito oh.”
“salamat babe. I love you.”
“wait, nagbablush ako.” kinurot ko sya sa pisngi. “I love you too!! Oh kumain ka na!”
“saluhan mo na ako, di ko mauubos lahat to oh.”
Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako at pumasok na kami sa school. Habang nasa byahe kami papunta ng school..
“anong oras ang next class mo?”
“mamaya pang after lunch. Eh ikaw?”
“mamaya pang 11am. Gusto mo dun ka muna sa school namin?”
“sige! Parang ayoko na ngang pumasok eh, dun na lang ako sa inyo.”
“ooppss.. bawal yan!”
Pagdating namin sa school, dumirecho kami sa may soccer field..
“hi bro! kasama mo pala si Carrie! Hi Carrie!” bati sa amin ni Jeric.
“Bro! si James nandyan na?”
“di ko pa napansin eh. O sige ha! Nuod lang kayo jan, magstart na kami magpractice eh. Bye!”
“oh, hayan na pala si James oh parating na. kasali ba sya jan sa magpapractice?”
“oo kasali sya jan.” kinawayan ko si James. Nagsmile naman sya, tapos biglang sumimangot. “anong problema nung mokong na yun? Baka tinotoyo na naman.”
“nagugutom ka na ba? O naiinitan ka dito?” tanong ko kay Carrie.
“hindi, ok lang ako. huwag ka ng mag-alala.”
Mula sa malayo ay nandoon pala ang grupo nila Mia na nakamasid sa amin ni Carrie.
“Girls, I think may something dyan sa dalawang yan.” Sabi ni Mia.
“anong something? I think magbff lang sila.”
“Bulag ka ba? Tignan mo nga sila! May ganyan bang magbff?”
“Subaybayan muna natin sila, bago ka magbitaw ng salita. Mahirap na mapahiya Mia.”
BINABASA MO ANG
EXCHANGED IDENTITY
Teen FictionSusundin mo ba kung anong sinasabi ng utak mo at kung anong tinitibok ng puso mo? O mas iisipin mo muna ang sasabihin ng iba tungkol sa inyo?