“Tingin ko kailangan na nating sabihin sa parents natin ang tungkol sa atin. Kasi kung sa father ko naman, tingin ko ok lang naman. at saka baka next month pa sya makauwi sa amin so saka na natin isipin yun. Yung sa mama mo, kailan mo gusto?”
“natatakot ako Nicole.”
Nalungkot ako sa sinabi niya. Di ko maipaliwanag ung nararamdaman ko nung time na yun. “anong gusto mong gawin?”
“Parang di pa ako ready na ipaalam kay mama.”
“Gusto mo isikreto lang natin to? Akala ko ba ipaglalaban mo ako?”
“Nic..”
“Siguro.. kailangan na muna nating pag-isipan kung tama ba talaga tong pinasok natin na to. Kailangan mo muna sigurong mag-isip.” Sabi ko sabay bumitaw na ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko at umalis.
Kinabukasan sa school namin..
“Oh, bat sinakluban ng puto’t dinuguan yang mukha mo?” pang-aasar sa akin ni James.
“Kainis naman to oh.” Natatawa ko na tuloy na sabi sa kanya.
“E bakit ba ganyan yang mukha mo? Nag-away kayo ni Carrie?” tumango na lang ako sa tanong nya.
“Hay naku. Magkakaayos din kayo nyan. Sa ngayon, wag mo munang isipin yun. Magreview ka na muna para sa midterms natin!”
“Ay oo nga pala.” Natatawa ko namang sabi.
Habang nagrereview ako..
“Bro ano ba to, 24 missed calls galing kay Carrie. Hindi mo ba to sasagutin?” sabi ni James.
“Hayaan mo lang sya. Saka nagrereview pa ako.”
“Bilib naman ako sayo bro. yan ang pagmamahal. Kayang magsakripisyo.” Singit naman ni Jeric.
“ewan ko sayo, singit ka na gatong ka pa. dun na nga tayo magreview.” Natatwang kinaladkad ni James si Jeric palayo sa akin.
Ng matapos ang klase sabay na kaming palabas ng school nila James.. nagkukwentuhan pa kami ng biglang napahinto sa paglalakad si James.
“O bakit bro?”
“Si Carrie ayun sa gate.”
Natigilan na rin ako sa paglalakad at pagkukwento ko.
“Maiwan na kita ha.”
“Hindi. Sabay na tayong umuwi.”
“What the heck, bro. mag-usap nga kayo!” sabay iniwan na ako ni James.
Bago pa sya lumabas ng gate ay nag-Hi pa sya kay Carrie.
Nilagpasan ko lang si Carrie, pero hindi pa ako nakakalayo nung sinigawan nya ako..
“Nicole! Ano? Ganito na lang ba? Ha?!”
Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nilapitan ko na sya.
“Nic, alam mo namang gagawin ko ang lahat para sayo. Wag mo naman akong pahirapan ng ganito.”
“Alam mo ring gagawin ko ang lahat para sayo, Carrie. At alam mo kung gaano kita kamahal.”
“Mahal na mahal kita Nic, pero hindi ko pa kaya sa ngayon. Maintindihan mo naman sana ako.”
“Sige. Pag-isipan mo ng mabuti ang lahat ng gagawin mong desisyon. Sa ngayon, mas mabuti siguro na huwag na muna tayong magkita at mag-usap. Kapag ready ka na, saka na tayo mag-usap.”
BINABASA MO ANG
EXCHANGED IDENTITY
Teen FictionSusundin mo ba kung anong sinasabi ng utak mo at kung anong tinitibok ng puso mo? O mas iisipin mo muna ang sasabihin ng iba tungkol sa inyo?