XII. WE MET AGAIN

4 0 0
                                    

Ilang buwan pa ang lumipas na hindi kami nag-uusap ni Carrie. Siguro kinalimutan na nya ako.

At ilang linggo na lang, graduation na namin!

Masaya na malungkot. Masaya kasi gagraduate na kami, malungkot dahil nga kay Carrie.

“Bro, after ng grad practice mamaya samahan mo ako sa mall ha? May bibilhin lang ako sa bookstore.” Sabi sa akin ni James.

“oy ano yang mall na narinig ko ha? Samaaaa!!!” pangungulit ni Jeric.

“Sumama ka, basta libre mo ang dinner natin ha?” pang-aasar ko naman kay Jeric.

“ayy!! KKB naman tayo. Wala namang ganyanan.” Sabi nya. Nagkatawanan na lang kami.

Nung nasa mall na kami..

“guys dyan na muna kayo ha, may titignan lang ako saglit sa department store.”

“sige. Text na lang kita pag tapos na kami dito. Didiretso na kami sa mcdo.”

“ok sige.”

Ng nasa department store na ako..

“Nic.” Sabi ng isang boses mula sa likod ko. Paglingon ko, si Carrie.

“Carrie. Kumusta ka na?”

“Namiss kita. Sobra.”

“sinong kasama mo dito ngayon?”

“Si mama. Ikaw?”

“Nasa bookstore sila James at Jeric. Sige, mauna na ako ha.”

“Carrie, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Sino pala sya? Classmate mo?” sabi ng nanay ni Carrie.

“Friend ko po sya ma, close friend ko po.”

“Hello po, mauna na po ako ha. Hinihintay po kasi ako ng mga kasama ko sa baba.”

EXCHANGED IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon