XIII. I'M HURT

3 0 0
                                    

“Mauna na ako guys. Kailangan ko ng umuwi eh. Bye!” saka nagmamadali na akong umalis.

“Ano kayang problema nun at nagmamadaling umalis?”

“Sino kayang nakita nya dun sa department store?”

“Alam ko na! baka nakita nya dun si Carrie!”

Pagkadating ko sa bahay, di ko inaasahang dumating na pala si daddy. At nakita nya akong umiiyak. Napayapos na lang ako sa kanya ng mahigpit habang humahagulgol na ako ng iyak.

“Oh, bakit ka umiiyak? Namiss mo ako ng sobra ano?” natatawang sabi ni daddy.

Ng mahimasmasan na ako ay kumain na kami ni daddy.

“marami akong pasalubong sayo, kaya wag ka ng umiyak dyan ha. Tara kumain na tayo.”

“kelan ka pa dumating daddy?”

“Kanina lang hapon. E pagdating ko wala ka naman, buti dala ko lagi sa wallet ko itong susi ng bahay natin. San ka ba galing?”

“Sa mall po. May binili lang kami sa bookstore nung classmate ko. Kumusta pala yung business trip nyo sa thailand daddy?”

“Ayun, naclose namin yung deal! Ang sarap sa pakiramdam pag nakakapagclose ka ng deal. At bukod pa dun, nakapagtravel pa kami. Ang ganda dun sa bangkok grabe.”

“Patingin ng mga pctures nyo mamaya ha? Iupload natin sa facebook. Nakita nyo po ba si Nam? Yung nasa Crazy Little Thing called Love na movie.”

“Di ko nga siya kilala eh, itatanong mo pa kung nakita ko sila.”

“Crush ko yun eh. Dapat sa susunod isama mo na ako daddy sa mga trip nyo na out of the country.”

“naku kung pwede nga lang eh, sinama na kita.”

“sayang talaga. Gusto ko rin magtravel. Kailan ba tayo dadalaw kina grandma sa atin? Mukhang mas marami na akong alam na tagalog words ngayon eh.”

“ayaw mo nun di ka mahihirapan makipagcommunicate dito?”

“ok naman po sa akin yun. Namimiss ko lang sila grandma.”

“within this year siguro, pwede tayong bumalik. March ngayon ano? Sa May nga pala may travel ulit kami, sa Busan. Ayun, pwede na tayo makauwi.”

“Yehey! Im soooo excited na appa!”

“Maiba lang ako. bakit ka ba umiiyak kanina.”

“I used to love a girl. But she’s still afraid to tell her mom about our relatonship. Im sorry appa. ”

“Wala ka namang dapat ika-sorry dun anak eh. Matagal ko na ring alam.”

“Di ka galit? Na ganito ako ngayon?”

“anak.. walang masama sa napili mong maging. Wala namang nagbago eh. Anak pa rin kita.”

“Thank you daddy!”

“Anong balak mong gawin?”

“Hihintayin ko na lang sya daddy. Magfofocus na muna ako sa trabaho after graduation.”

“Tama yan. Huwag kang magmadali. Kailan nga pala ang graduation nyo?”

“Next week na po.”

“im so proud of you anak. Kahit na nahul ka sa lessons dito, gagraduate ka pa rin.”

“syempre naman daddy! Matalino yata ako, katulad mo.”

“Aiissh. Bola! Kumain ka na nga lang dyan! Pagkatapos tignan mo na yung mga pasalubong ko sa inyo ni Carrie.”

One day before our graduation, tinawagan ako ni Carrie.

“Sagutin mo na yan anak.”

“Hello.”

“Hi Nic. Advance congratulations, kasi graduate ka na bukas.”

“Thank you.”

“Pwede ba tayong magkita ngayon?”

EXCHANGED IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon