ANNIE POV :
Nagising ako ng 7 pm sinilip ko ang kuwarto ni Shaquil pero wala sya doon saan kaya siya pumunta?
Bumalik ako sa kuwarto ko at humiga na ulit sa kama ,naalala ko si Shaeena maganda din sya matalino namumuhay sa sarili nitong trabaho hindi gaya ko na umaasa sa magulang ko.
Sumilip ako sa bintana ng marinig ko ang paparating na kotse at tama kotse nga ni Shaquil yun. Bumaba na ako pero napaatras na din ako ng marinig ang pinag uusapan nila ni tita, tama nga ang hinala ko may something sa kanila ni Shaeena.
Natutup ko ang bibig ko sa mga narinig ko ang sakit malaman na may mahal syang iba. Kaya pala hindi nya ako kayang mahalin.
Umiiyak sya kay tita nag mamakaawa na kausapin si Shaeena na mahalin siya nito. Bakit kilangan na nyang ipilit ang sarili nito kay Shaeena na nandito naman ako para mahalin sya.
Bumalik ako sa kuwarto ko at diko namalayan na umiiyak na pala ako.
Ang sakit sakit pala.Akala nya kaya ako pumayag na maging fiancee niya kasi gusto ni mama at daddy niya pero ang totoo mahal ko na sya mula ng makilala ko sya.
Sa tagal naming pagsasama hindi na nya alam na mahal ko sya? ang manhid nya.
Boung magdamag na akong umiiyak.
Bakit sya pa ang minahal ko? Alam ko naman na mula sa simula hindi na kami magkasundo. Wlang wala na ako kay Shaeena maganda at higit sa lahat matalino.Kinabukasan :
* 8 am na nang magising ako.
Bumaba na ako si manang ang naabutan ko na nagluluto wala daw si tita dahil may pinuntahan na daw sya at si Shaquil di pa daw sya gising.Binigyan na ako ni Manang ng gatas at ininum ko naman agad. Di nagtagal bumaba na din sya na gulong gulo ang buhok
"Oh bat maga na yang mga mata mo?"
Tanong nya habang nagtitimpla sya ng coffee nya.
*wala diko alam.
Ang tanga mo Annie anong wala diko alam? Ang tanga tanga mo kahit kilan.
*anong wala? Anong di mo alam?"
nakatingin sya saakin habang hinahalo ang coffee nya.
.* i mean wala wala kang paki alam doon!" Inis kong sabi sa kanya.
*bakit galit ka? Meron ka ata ngayun ah!" Sabi nya.
*ang bastos mo ah!!" Sigaw ko
*alin ang bastos doon? Manang diba pag mayron ang babae laging galit?""
Lingun nya kay manang*Oo iho!
*Oh kita mo tama ako no? Wala namang bastos doon normal naman yan sa mga babae ah!" Sabi nya na uminum na ng coffee nya.
* bastos ka naman talaga ah!" Sigaw ko
*Bakit hinalikan ba kita o hinawakan kita kaya naging bastos ako?"
*iwan ko sayo baliw! Sigaw ko sa kanya
*kong baliw ako eh ano ka? Childesh?
*tama na ngayan umupo nalang kayo at kumain." Sabi ni manang
*natigil kami sa pagsisigawan ng marinig namin si manang na nagsalita.
_______________________________________
SHAEENA POV :*inamin saakin ni Shaquil na ako pa din ang mahal nya. Nag makaawa na sya saakin na bigyan sya ng chance na mahalin ako at mahalin sya pero alam kong mahal siya ni Annie at si Annie na din ang gusto ni tita para kay Shaquil..kahit mahirap gawin na paraya na ako.
Kinausap kasi ako ni Annie lumuhod sa harap ko na hayaan ko sa kanya si Shaquil dahil mahal na mahal nya ito,at alam ko na aalagaan nya ng mabuti ang bestfriend ko.
nong nag makaawa si Shaquil saakin sinabi kong hanggang bestfriend ko lang sya kahit na ang totoo ay mahal na mahal ko sya.
1 year na ang nakalipas naka move on na din sya at nag kamabutihan sila ni Annie natutunan na din nyang mahalin si Annie at ako ang gumawa ng gown para sa kanya tulad ng pinapangarap nya noon pa man.
Masaya silang kinasal kahit ako parang binibiyak ang puso ko ng nakikita ko ang taong mahal ko na kinakasal sa ibang babae.
Masaya ako sa kanilang dalawa!
Makita lang syang masaya masaya na din ako para sa kanya!*WAKAS!
Thank you po sa lahat ng nagbabasa ng BESTFRIEND FIRST LOVE...
ABANGAN NIYO LANG PO ANG STORY NI SHAQUIL AND ANNIE...
ABANGAN NIYO NA DIN ANG STORY NINA SHAEENA AND SHANE...
THANK YOU ULIT!!
✋✋✋✋✋✋ BYE...
''Unwanted boyfriend"Sa gustong bumasa ng story nina Shaeena and Shane search UNWANTED BOYFRIEND
BINABASA MO ANG
"BESTFRIEND FIRST LOVE"
Teen Fiction"BESTFRIEND FIRST LOVE" Hello Guys!! ✋ kaway kaway sa mag babasa ng story na ito.. [» Naranasan nyO na ba ang mainlove sa Bestfriend nyO? Yung tipung pag nanjan sya buo na ang araw mo.Ang sweet nyo sa isat isa pero hindi pweding mag selos kasi walan...