"Mahal kita"
"Promise! Ikaw lang ang mahal ko"
"Di kita ipagpapalit para lang sa iba"Mga linya mo noon na kay sarap pakinggan.
Mga salitang hanggang ngayon ay di ko alam kung totoo nga ba.
Mahal, totoo ba sinabi mo?
Totoong bang mahal mo ako?
O kasinungalingan lang ang lahat?
Kasi hanggang ngayon umaasa pa din ako na totoo.
Alam mo, alam mo kung gaano kita ka-mahal
Alam mo na kayang kung gawin ang lahat wag mo lang akong ipagpalit
Pero bakit?
Bakit siya pa?
Bakit yong bago mo lang nakilala?
Bakit mo ako pinagpalit?
Bakit mo ako iniwan sa ere?
Bakit mahal ko?
Di mo na ba ako mahal?Mahal, bumalik ka na.
Balikan mo na ako.
Hihintayin kita, mahal.
Hihintayin kita.
