Chapter Forty

1.6K 41 0
                                    

AJ POV

Narinig kong may ingay sa kusina ng makalabas ako ng kwarto, marahil ay si manang yun na naghahanda ng almusal namin kaya nagpunta ako dito. Papasok na kasi ako ngayon sa opisina.

Sandali naman akong natigilan ng marinig ko ang boses ni Reign at ni Chloe na nagtatawanan. Bahagya naman akong sumilip dito para tignan sila.

Napangiti ako ng makitang masaya silang nagkukulitan habang naghahanda ng almusal.

Kung natuloy lang sana ang pagpapakasal namin noon, sigurado akong masaya sana kaming nagsasama ngayon at may anak na din.

"Daddy!" Tawag sa akin nito ng mapansin ako. Napalingon naman sa gawi ko si Reign.

"Goodmorning!" Nakangiting bati sa akin ni Reign.

Tama ba ang nakikita ko? Ngumiti sya sa akin?

I missed those smile of her.

"Daddy let's eat na! Kami ni mommy ang nagluto." Masayang sabi sa akin ni Chloe na nakapagpatigil sa aking iniisip.

Naupo na din ako saka kami nagsimulang kumain.

"Ahmm. Sasabay ka ba sa akin papuntang company?" Basag ko sa katahimikan.

"Okay lang ba?" Sagot naman nito ng hindi tumitingin sa akin.

"Of course! It's fine with me!" Sabi ko dito.

"Okay!"

Hindi pa din ako makapaniwalang hindi nya ako tinatarayan ngayon. Samantalang noon ay halos hindi ko sya makausap ng matino.

"Uhmm. Daddy? Mamasyal tayo bukas diba? It's weekend na." Bigla naman sabi ni Chloe kaya napabaling ang atensyon namin dito.

"Of course baby! Ginagawa naman natin yun every weekend eh." Sagot ko dito.

"Yehey! Mommy will come with us, diba?" Agad naman akong napatingin kay Reign na gulat na napatingin kay Chloe.

"Ahh. Baby! Baka may gagawin si mommy bukas eh!" Sabi ko na lang.

"Ehh. Please mommy?? Come with us tomorrow? Please?" Malungkot na sabi nya kay Reign.

"Sure baby! Sasama ako! Don't be sad, okay?" Sagot naman nya.

"Yehey!" Tuwang tuwa na sabi naman ni Chloe kaya napailing na lang ako.

Nagpaalam na din kami kay Chloe ng matapos kaming kumain at binilin ko na sya kay manang.

Tahimik lang si Reign na nakatingin sa bintana habang nasa byahe kami. Hindi ko alam kung anong iniisip nya ngayon. At hindi ko din maintindihan kung bakit nya ginagawa kay Chloe ang mga bagay na ginagawa ng isang ina.

"Ahmm. I'm sorry Reign. I know, masyado ka nang naaabala ni Chloe. Pwede mo naman syang tanggihan if you want. Kakausapin ko na lang din sya." Sabi ko dito kaya napalingon sya sa akin.

"Don't mind it AJ. Masaya akong kasama ang anak mo. And I know na sabik syang magkaroon ng mommy kaya hanggat nandito ako, ibibigay ko ang atensyong kailangan nya." Napalingon naman ako sa sinabi nya.

"Hindi mo naman kailangang gawin ito pero salamat na din dahil napapasaya mo sya." Sabi ko na lang sa kanya. Sakto namang nakarating na kami sa company kaya bumaba na agad ako saka sya pinagbuksan ng pintuan.

"Thanks!" Sabi nya ng makababa.

"Your welcome!" Sagot ko na lang.

Dumaretso muna kami sa aking opisina. May isang oras pa naman kasi bago ang meeting na dadaluhan ni Reign.

"Nice place!" Sabi nya ng makapasok kami sa opisina.

"Thanks. Anyway, do you have any question about the company? We still have 1 hour before the meeting. We can discuss it while waiting." Sabi ko.

"Nothing! I know that you handle it so well kaya hindi ko na kailangang mag usisa pa dito." Sagot naman nya.

"Okay!" Sabi ko na lang.

Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa mga papers na nasa table ko habang abala naman sya sa kanyang cellphone.

Tok... tok... tok...

"Come in!" Sabi ko.

"Goodmorning sir!"

"Goodmorning din!" Sagot ko dito.

"Nakaready na po ang lahat sa conference room. Kayo na lang po ang hinihintay sir." Sabi ni Aileen, secretary ko. Filipino din sya.

"Okay! Susunod na kami."

*****

Reign POV

Naipakilala na ako ni AJ sa board kanina sa conference room. Mababait naman sila and thankful na din ako kay AJ dahil hindi nya ako pinabayaan. Sya pa mismo ang naglibot sa akin sa buong company.

Kita ko ang magandang pakikitungo nya sa mga empleyado namin na mas lalong nagkapagpaduda sa mga sinasabi sa akin ni Dylan noon tungkol kay AJ.

Sinabi nya sa akin na may pinaplano daw ito laban sa company namin at kaya din daw ako nito niligawan noon ay para mapalapit sa family namin at magkaroon ng posisyon sa company. Kaya din ako noon galit na galit sa kanya at pilit syang pinaalis sa company. Pero ngayon, kabaliktaran noon ang mga nakikita ko. Sa dalawang taong nakalipas, ipinagkatiwala sa kanya ni Daddy itong company namin dito sa London, pero wala syang ginawang ikinasama nito, mas naging angat pa nga ito sa pamamahala nya.

Alam ko na ngayon sa sarili ko na mabuting tao sya. Hindi na din ako magtataka kung bakit ko sya pinatulan noon. She's kind of sweet and caring person although nandun yung lagi tahamik at seryoso sya pero kita pa din kung anong kalaseng tao sya lalo pagdating sa anak nya.

And speaking of Chloe. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako pumayag na ituring nya akong mommy nya. Masaya akong alagaan sya. And thinking of having a family with AJ makes me feel happy and contented na hindi ko manlang naramdaman kay Dylan. I know, he's my husband, but hindi ko kailan man naisip ang magkaroon ng anak sa kanya. To be honest, until now, were not having sex. I don't know pero hindi ko kayang ibigay ang sarili ko sa kanya which is wrong dahil asawa ko sya. Ito din ang madalas namin pag awayan.

Kung si AJ ba ang pinili ko noon? Magiging masaya kaya ako?

Kung sana lang nakinig ako noon sa mga sinasabi nila, hindi sana ako mahihirapan ng ganito. Hindi sana ako makukulong sa isang relasyon na kahit kailan ay hindi ako naging masaya. At hindi ko na sana sya nasaktan pa. Gusto ko syang tanungin tungkol sa nakaraan namin ngunit hindi ko magawa, lagi akong pinanghihinaan ng loob. Sana dumating yung araw na maalala ko na ang lahat at sana din pag dumating ang araw na iyon ay matanggap nya pa din ako at magawa nya akong mahalin ulit.

♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢

I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon