Chapter 17
Nagulantang ako sapagkat wala ako sa room ko. may isang lalaki sa aking tabi, nakatalikod sya from me at wala syang suot na damit pan-itaas. Napapalunok ako ng laway ko at napakagat labi dahil sa kahit nakatalikod sya ay ang yummy parin nya sa aking mata. Napaupo ako sa kama at dahan-dahan kong sinilip ang mukha ng lalaking katabi ko at napa sign of the cross pa ako nang nakita kong si Terrence ang katabi ko. Dahil sa gusto kong i-sure kung si Terrence nga yun ay sinilip kong muli ang mukha nya, at no doubt, si Terrence nga.
Kaagad naman akong napahiyaw dahil sa pagtingin ko sa aking katawan ay iba na ang damit ko naka spaghetti strap ako na damit at I believe mula sa ikaibuturan ng aking puso at pagkatao na wala akong damit na ganto,at wala akong suot na gantong damit before my office attire. Bumalikwas nama ng bangon si Terrence dahil sa aking pag sigaw. Bumalandra sa harapan ko ang kanyang machong pangangatawan at ang magulo nyang buhok na syang kinadagdag ng kanyang kagwapuhan.
"ano bang sinisigaw mo?" pag kamot nya sa kanyang ulo sa itaas.
"pinagsamantalahan mo ako? a-anong ginawa mo sa akin?"
Kaagad syang bumangon at binaba ang kanyang paa sa sahig. Tumayo sya at syang punta nya sa harap ng bintana at binuksan ang kurtina na syang pag aliwalas ng loob ng kwarto.
"wala akong ginawa sayo"
"ba't ako nakahubad? Pinagsamantalahan mo ako, kailangan mong panindigan tong ginawa mo sa akin, ayaw kong walang kikilalaning ama ang anak natin"
Agad na napa tiger look si Terrence sa akin. Lumapit sya sa hinihigan ko at kinuha nya ang unan at syang hambalos nya sa ulo ko.
"anong kaabnormalan yang pinagsasabi mo, as what I have said, wala akong ginawang masama sayo, kaya ka nakahubad dahil sumuka ka lang naman sa kotse ko, nasukahan mo ang damit mo at pati nga ako sinukahan mo. kaya I decide na iuwe ka sa condo at binihisan ka pero di kita nilinis baka kase may mahawakan ako, and dont worry nag paalam ako sa ama mo na dito ka muna pasamantala matutulog sa condo dahil may tinatapos kang paper works, di ko sinasabi sa kanya na lasing ka, baka kase kung ano ang isipin nya sa akin at maging sayo."
"pumayag si itay sa pakulo mo?"
"yes he does but he said wag lang daw akong magkakamaling gawan ka ng katarantaduhan, at excuse lang din naman Yna... ako gagalaw sayo?" sabi nya sabay tawa. "buwang lang ang gagalaw sa yo."
"binihisan mo ako?"
"yup, at ibalik mo yan after dahil kay Trishia ang damit na yan.."
"Trishia?" pagtataka ko.
"ang babaeng nililigawan ko. damit nya yan, naiwan nya sa kotse ko nang nag gym kami, she's my gym body"
Di na ako naka kibo dahil sa sinabi sa akin ni Terrence, para kasing biglang nalungkot ang heart ko when I heard what he said na meron daw syang nililigawan.
Tumayo na ako mula sa kanyang kama at hinanap ang damit ko. natagpuan ko lang naman ang uniform kong suot kahapon sa ilalim ng kama. Ginawa nya pa talagang basahan ang damit ko, nyemas na lalakeng to.
Nang nadampot ko na ang damit ko ay pumunta ako ng cr para magbawas at magpalit. Nang tapos na akong mag bawas ay tinitigan ko ang damit ko. Tunay ngang may suka, at kay asim ang amoy. Dahil sa ayaw kong umuwe ng bahay na iba ang damit ko ay hinubad ko yung damit na pinasuot sa akin ni Terrence at syang suot ko sa uniform ko na aking nasukahan. Then after it lumabas na ako ng cr. Nagtataka pa nga si Terrence kung ba't ko pa sinuot yung damit ko eh ang dumi na daw yun kaya nga nya nilagay sa sahig dahil di na yun masusuot.
KAMU SEDANG MEMBACA
Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)
HumorChaka ako sa kanilang paningin. Mula nang isinilang ako ay tinalikuran na ako ng mundo at puro kamalasan lang ang napunta sa akin. Siguro nung umulan ng kamalasan ay sinalo ka lahat! OO!! ang hirap maging panget! mahirap kapag chaka ka, lahat na ng...