A Love So Painful [ONE SHOT STORY]

23 1 0
                                    

A/N: This is my very first one-shot story or should I say, basura. Haha. Ewan. Basta yan ang laman ng imagination ko ngayon. Gusto ko lang ilabas. Enjoy! ☺


—————————————————

Ayoko na.

Ayoko na.

Move-on na ako sa'yo.

Wala na akong nararamdaman para sa'yo.

Hindi na kita gusto.

Hinding-hindi na ako titingin sa'yo.

Ayoko ng mahalin ka.

Nakakapagod na.

Paulit-ulit na sinasabi ko yan sa sarili ko. Nakakatawa nga eh kasi ang laki kong siraulo. Hindi ko alam kung naka-drugs ba ako o sadyang ang lakas lang talaga ng tama ko sa'yo. Eh pano ba naman, sinusubukan kong kalimutan ka pero di ko magawa kasi para kang naka-mighty bond sa puso ko, ang hirap mong alisin sa lakas ng kapit mo.

Akalain mo yun? Sa maraming beses na narinig kitang kumanta, sa isang kanta mo lang nakuha ang atensiyon ko. Yun yung video na inupload mo sa facebook kung saan nagpi-piano ka habang kumakanta. Grabe yun ha! Intro palang ng piano mo, standing ovation agad yung mga balahibo ko. Kaya para mas dama, gumamit ako ng headset para malinaw sa tenga ko ang tinig mo.

Pero alam mo kung ano yung pakiramdam ko matapos kong panuorin at pakinggan yung kanta mo?

Wala.

Wala talaga.

As in WALA TALAGA AKONG MASABI.

Basta isa lang ang sigurado ako. Nang dahil sa kanta mong yun, parang nagising ang natutulog kong puso.

Ilang beses kong pinakinggan yung kanta mo. Habang paulit-ulit na naririnig ko yung kanta mo, paulit-ulit ko ring nararamdaman yung naramdaman ko nung una kong narinig yung kanta mo. Hanggang sa umabot sa puntong sumasabay na pala ako sa kanta mo at memorize ko na pati lyrics at melody ng kinanta mo.

Sabi ko, siguro nagandahan lang yata ako sa boses mo kaya chi-nat kita at nagrequest ako ng kanta sa'yo. Nahiya ka pa nga nun nung pinuri kita pero pumayag ka rin naman pala. Ang saya ko nga nung mga oras na yun eh. Hindi na tuloy ako makapaghintay na i-upload mo yung request ko sa'yo.

Naisip ko nga, siguro nagawa ko lang yun dahil umi-idolo ako sa'yo. Pure admiration ba kumbaga sa talent mo. Ngunit ang hindi ko alam, hindi ko namalayan, nung mga oras na yun, yun na pala ang simula ng lahat.

Isang araw nagkaroon tayo ng rehearsals sa chorale na pareho nating sinalihang dalawa. Kakadating ko lang nun at ikaw agad ang nahagip ng mga mata ko. Ewan ko pero pagkakita ko sa'yo, bigla nalang sumagi sa isip ko yung boses mo. Parang may recorder sa utak ko na nag-play na lang bigla nang dahil sa simpleng presensiya mo. Mukhang na-LSS yata ako sa'yo, sabi ko sa sarili ko.

Pero ang inaakala kong hang-over sa kanta mo ay iba pala kaysa sa inaasahan ko. Kada rehearsals natin, lagi akong napapalingon sa'yo. Para bang may sariling buhay ang mga mata ko na automatic na tumitingin sila sa iyo sa bawat oras na nagkakasama tayo.

A Love So Painful (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon