Soulmate. True Love. Great Love. Destiny.Hindi ako naniniwala dati diyan. Ayokong maniwala. Kasi kapag naniwala ka, masasaktan ka. At kapag nasaktan ka, wala ng matitira sayo.
Ganoon, ang tingin ko dati. But then, you came. You made me believe in those.
Paniwalang paniwala na ako. Handa na akong sumugal. Handa na ako. Pero marami pa ring tanong sa isip ko.
Na kailanman, hindi masasagot. Dahil duwag ako. Duwag akong magtanong, natatakot akong malaman yung sagot.
At ikaw, duwag kang umamin sa nararamdaman mo. Siguro nga.
Pareho tayong duwag. Pareho tayong takot lumaban. Handa ngang sumugal, takot namang lumaban.
Siguro nga, baka nga, hindi talaga tayo itinadhana. Dahil may mga taong pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.