VICE (2012)

41 2 0
                                    

Dalawang taon na ang nakalipas. Isa na akong highschool graduate ngayon. Salamat kay Idol dahil nagawa ko siyang inspirasyon para makatapos.

Para magsipag at magtiis sa mga kinaharap kong problema. Nabalitaan ko na lamang sa mga iba kong kaklase na sobrang sikat na siya. Sobrang dami na nang nagawa niyang pelikula. Pelikula na highest grossing at bentang-benta sa masa.

Araw-araw na rin pala siyang mapapanood sa pangtanghaling show. Nakakatuwa kasi dati isa lamang siyang ekstra. Minsan naman isa lang raketista. Ibang-iba na talaga si Idol. Nakakapanibago lang talaga.

Hindi ako nagkamali na siya ang hangaan ko sa kahit anong larangan.
Magkatulad lamang pala kami na sa umpisa ay mahina.

Paano ba naman kasi naging mahina rin ang loob ko na baka hindi ako makapagtapos ng pag-aaral.

Dahil wala nang balak sumuporta sa akin. Nagpursige kami ng mabuti para maabot ang aming mga pangarap. Ganoon din sa aking pangarap na balang araw matatangap din ako ng buo kong pamilya sa pagiging isang natatanging bakla.

Sobra-sobra na rin ang nalaman ko kay Idol tungkol sa kaniyang kakayahan. Kagaya niya na nadiskubre ko rin kung ano ang gusto kong gawin sa buhay. Nahanap  ko rin ang nagtatago kong talento.

Alam kong magagamit ko ito sa aking pamilya. Sa huli magsisilbing inspirasyon naman sa ibang tao.

Nabalitaan ko na mayroon siya ulit na panibagong album ngayong taon. Sa pagkakataong ito mismong ang pangalan niya ang pamagat ng album.

Gusto ko sanang bumili noon sa unang beses. Pero wala naman akong naipon na pera. Kaya naisip kong baka hindi ko na iyon mabili. Makalimutan ko na lang bigla parang bula.

Iniisip ko ang lahat nang nangyayaring ito. Habang nakaupo kasama ang aking mga kaklase na magsisipagtapos.

Natapos nang umakyat sa stage ang mga nasa unahan namin. Kaya sumunod na kaming pumila sa may likuran. Habang naglalakad kami papunta sa harapan.

Kinabahan akong bigla nang tinawag na ang pangalan ko. Hindi ko malaman ang gagawin.

Kahit araw-araw naman kaming nagprapractice ng graduation. Pero mukhang nakalimutan ko na yata sa araw na iyon. Kitang-kita ko ang dami ng tao. Basang-basa pa ang kilikili ko sa nerbyos.

Sobrang init pa naman din ng suot kong puting toga.

Ang araw na ito ang pinakamasaya sa lahat. Ngumiti ako sa aming prinsipal na siyang may hawak nang diploma.

Sabay harap sa napakaraming tao. Hindi ko maipaliwanag ang saya at todo-todong pagka-proud ni lola na naghihintay sa baba.

Kara-karaka ko siyang niyakap nang mahigpit at pinakita ang hawak kong diploma. Dahil mahal na mahal ko ang aking Lola Susana.

Panibagong araw na ulit ang nangyari pagkatapos ng aming graduation. Bagong mundo na ulit ang haharapin ko bilang isang kolehiyo.

Pero wala pa rin ang tangi kong hiling. Wala akong natangap na  kahit anong regalo. Nagpatugtog na lang ako ng mga bagong kanta ni Idol.

Isang araw, nagulat ako sa bisita namin na dumating sa bahay. Bakasyon noon kaya hindi ko muna inaasikaso ang pagpapa-enroll.

Balak kong pumasok sa Bulacan State University para malapit na lamang ang magiging lakarin.

Nang bigla kong nakita sa sala ang dati kong kababata na si Butchok. Dati ko siyang kalaro sa may bakanteng lote.

Nabalitaan kasi nila ang mabilisang pagkawala ni Mama. Dahil sa sakit na tubercolosis.

KUNG BAKIT PABORITO KO SI VICE GANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon