---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kkkring..kkkring..kkkring...
"hello ?" hayyy nako! Ang aga naman nitong tumatawag na to. 5 am pa lang oh. "sino 'to?"
"good morning bes" oww. Si Migs lang pala yung tumatawag.
"good morning. Ano kailangan mo? Bakit ang aga mo tumawag?" ano kaya problema nito?
"wala lang, gusto ko lang na boses mo agad yung una kong marinig" ,ang sweet niya noh ! kaya mahal na mahal ko yang bestfriend ko eh. "sige bye na. Matulog ka na ulit." then he hang up the phone.
Ako nga pala si Michelle. 16 yrs old. Mabait at may bestfriend na gwapo.
Yung tumawag kanina, siya yung bestfriend kong si Migs. Mabait at sweet.
Mahal na mahal ko yan pero hindi ko lang masabi kasi natatakot ako na baka masira yung pagkakaibigan namin. Mas gugustuhin ko pa na magkaibigan lang kami, kase kung sakaling maging bf ko siya,mag aaway lang kami at kapag naghiwalay kami baka hindi na namin maibalik yung pagkakaibigan namin. Mas tatagal kami kung magkaibigan lang kame.
Hayyyyyy! Hindi na tuloy ako makatulog ulit. Iniisip ko kasi yung sinabi ni Migs kanina.
------------
wala lang , gusto ko lang na boses mo agad yung una kong marinig
wala lang , gusto ko lang na boses mo agad yung una kong marinig
wala lang , gusto ko lang na boses mo agad yung una kong marinig
-----------
Annnnuuuubbbeeeyyyaaann,kinikilig talaga ako, pero alam ko naman na hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa'kin at kahit na mahalin pa niya ako hindi din naman pwedeng maging 'kami' pero hindi naman ako umaasa na mamahalin niya din ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Pasensiya na ha. Magulo lang talaga ako.
Mahal ko siya pero ayokong maging kami.
At dahil nga hindi na ako makatulog eh bumangon na ako sa kama para mag almusal.
tamang-tama kasi gising na si mama.
"oh Michelle. Ang aga mo naman yatang nagising ngayon?" tanong sa'kin ni mama na kasalukuyang nagluluto.
"good morning Ma," good talaga ang morning ko ngayon.
"oh ayan, kumain ka na." sabay abot sa'kin ni mama ng food.
8am. Tumawag ulit si Migs.
" hello bes." sabi niya mula sa kabilang linya.
"bakit napatawag ka na naman?" ako.
"ah Michelle. May lalaking gustong makipagmeet sayo ngayon."
"Sino naman siya?" imbis na sagutin yung tanong ko ito ang sinabi niya:
"Pumunta ka sa starbucks. Hihintayin ka niya doon. Be there daw in 1 and half hour."
"hoy baka naman mapahamak ako jan ha. Baka mamaya bad yang lalaki na yan." sino naman kaya yung gustong makipagmeet sa'kin?
"Please trust me. Hindi ka mapapahamak. Kilala ko naman kung sino siya eh."
"sige, bye na. Maliligo na ako at pakisabi dun sa lalaki na yun na maghintay na lang siya."
" OK. Salamat." 😀
"wait lang Migs. Bakit daw ba gusto niyang makipag-meet?" bakit nga kaya?