May matangos syang ilong,katamtamang kapal ng kilay,mapupulang labi,mapungay na mga mata. Perpekto kung tutuusin para sa akin. Ang aking Dream Boyfriend.
Naglalakad ako sa sa gitna ng daan kung saan hindi pamilyar sa akin ang aking nakikita at nakakasalamuha. Kani-kanina lang may nakita akong matandang babae na naglalakad rin dito sa parke tinanong ko kung nasaan ako ngunit hindi sya sumagot. Tinanong ko rin kung anong lugar ito ngunit ganon pa rin wala syang naisagot naisip ko ngang baka hindi lang sya nagsasalita. Madalang ang tao dito sa parke hindi katulad ng mga nakikita ko sa ibang lugar. Pero bakit nga ba ako napunta dito? Sa paglalakad ko may nabunggo na pala akong batang babae.
"Sorry. Nasaktan ka ba?" tanong ko pero hindi sumagot ang bata
"Sinong kasama mo?" na natiling tahimik ang bata "Nakakapagsalita ka ba?"
"Anong pangalan mo? Huwag kang mag alala hindi kita sasaktan. Hindi ko kasi alam kung nasaan ako." saad kong muli
"Wala po akong kasama. Ako nga po pala si Ana. Pasensya na po kung hindi ako sumasagot kanina ngayon ko lang po kasi kayo nakita" mahabang saad ng bata
"Ganon ba? Ilang taon ka na?" kailangan ko ng makakasama dito. Mukha namang walang kasama yung bata
"7 years old po. Kayo po? Ngayon ko lang po kayo nakita. Saan po kayo galing?" tanong ng bata
"Hindi ko nga rin alam kung anong ginagawa ko dito. Nasaan ba ako?" tanong kung muli
"Ano po pala ang pangalan nyo?" ana said
"Ako nga pala si Eayngel pwede mo rin akong tawaging Ate Eayngel o Ate Ngel" sagot at ngumiti "Pero di mo pa nasasagot yung tanong ni Ate Ngel mo. Nasaan ba ako Ana?" may tinuro si Ana sa likuran ko. Ngayon ko lang ito nakita masyado siguro akong pre occupied kaya hindi ko napansin
"Sunzhine" basa ko sa karatula. So Sunzhine pala ang lugar na ito. "Saan ito Ana? Sa Luzon,Visayas o Mindanao?"
"Huh? Ano po yun ate Ngel?" takang tanong ng bata. Bakit hindi nya alam? Sabagay Bata pa naman sya. "Ate Ngel basta malayo itong lugar"
"Malayo?" taka kong tanong "Wala naman akong naalala na umalis ako ng bahay namin"
"Ate Ngel may papakilala ako sayo" sabay hatak ni Ana sa kamay ko
Tumatakbo kaming dalawa ngayon hindi ko alam kung saan kami pupunta pero di naman siguro ako ipapahamak ng batang ito mukha naman syang mabait. Maya maya lang huminto kami sa isang bahay. Malaki ito masasabi mong may kaya ang pamilyang nakatira dito. Nakita kong pabalik na si Ana kung saan nya ako iniwan.
"Ate Ngel wala daw sya ngayon dito. Ano ba yan. Kung kailan naman may bago na akong kaibigan saka pa sya wala" malungkot na saad ng bata.
"Huwag kang malungkot Ana nandito naman ako. Tsaka sino ba yung hinahanap mo?" tanong ko
"Hayaan mo na po ate. Papakilala kita sa mama at papa ko. Wala po kayong matitirhan dito di po ba?"
"Hmm. Wala Ana. Bakit?" Taka kong sagot
"Tara na ate" hatak nya uli.
Maayos naman ang pananamit ni Ana halatang may kaya din ang pamilya nya. Pero bakit sya nasa Parke kanina? Huminto na kami sa pagtakbo. Nasa tapat kami ng isang malaking bahay. May nagtataasang bakod,mga berdeng halaman,bulaklak na halatang alagang-alaga at ang kulay Grey na bahay
"Ate Ngel dito po ako nakatira" saad ni Ana
"Talaga?"
"Opo ate. Tara na po?" masayang saad ni Ana
Ginaya nya akong pumasok. Pagpasok namin may sumalubong sa amin na matandang babae naka damit pang Maid
"Nako! Ana saan ka ba galing kanina ka pa hinahanap ni Isabele. Kung saan saan ka talaga pumupunta" napatingin sa akin yung matandang babae "Aba e. Sino itong kasama mo Ana?" tanong nya
"Aahhh. Nanay Celya sya po si Ate Ngel nakita ko pa sya kanina sabi nya po bago lang po sya dito. Wala po syang matitirhan" mahabang paliwanag ng bata
"Aba halika dito pumasok na muna tayo sa loob. Kumain ka na ba Ngel?" tanong ni Nanay Celya
"Hindi pa po" i said
"Saan ka ba nanggaling at papaano ka napadpad dito?" tanong nya habang naghahanda ng makakain
"Hindi ko nga po alam Nanay Celya. Nagulat nga po ako at napunta ako dito" sagot ko
"O sya kumain ka na muna. Lilinisan ko muna si Ana at ang dungis dungis na." pagsabi nya non umalis na sila
Habang kumakain ako hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Maaliwalas ang bahay. May nakapukaw ng aking mata. May malaking picture sa pader paakyat ng hagdan tatlo ito yung isa picture ni Ana at yung dalawa picture ng isang lalaki at babae.
"Mukhang iyon ata ang magulang ni Ana" bulong ko
"Yaya naka uwi na ba si Ana?" sigaw ng isang babae. Paglingon ko nasa likod ko pala sya "Teka bago ka dito?" tanong nya
"A-aahh Opo" sagot ko
"Mama! Si Ate Ngel po pala. Nakita ko sya kanina sa Parke nung nagpunta ako doon. Mama? Pwede dito nalang tumira si Ate Ngel? Para may Ate na ako. Tsaka wala syang titirhan." saad ni Ana. Tumingin sa akin yung mama ni Ana
"Totoo ba?" malumanay nyang tanong
"Opo. Hindi ko nga po alam kung paano po ako napunta dito" sagot ko
"Sige dumito ka na muna habang hinahanap namin yung magulang mo" sabi ng mama ni Ana " Nanay Celya pa gabay naman po sya sa Kwarto sa taas"
"Sige Bel" at nanguna ng maglakad si Nanay Celya
Nang makapasok ako sa kwarto maaliwalas, halatang hindi masyado natutulugan dahil sa konti ang gamit pero malinis. Binigyan ako ni Nanay Celya ng mga damit. Pag katapos non naglinis ako ng katawan ko at humiga saglit sa kama ko habang iniisip pa rin kung paano nga ba ako napadpad dito?
"Lagot baka hanapin ako ni Mama at Papa" bulong ko.
Atleast may matutulugan ako ngayon bukas nalang ako maghahanap ng paraan para maka uwi ng bahay. Sa sobrang pag iisip at pagod ko nakatulog na pala ako
•••••••
YOU ARE READING
Dream Boyfriend
RomanceWhat if yung Dream Boy mo pala o Dream Boyfriend mo hindi pala totoo. Mamahalin mo pa rin ba sya?