POLKADOTS SA HIGHWAY
One shot story by emayeyrayter
Sa 10 ginawa ng mahal mo, yung 9 na tama makakalimutan dahil sa 1 pagkakamali.
Ganyan kadalasan diba?
Pero ako baliktad.
Sa 10 ginawa nya, 9 ang mali pero kumakapit ako sa 1 tama.
Ano yung tama na yun?
Ang salita nyang ‘mahal kita’.
Katangahan daw yun.
Lagi nya kasi ako nasasaktan. Lahat ng kaibigan ko sinasabi iwan ko na daw sya. Di na nakakabuti sa akin. Pero paano sya? Alam ko di rin sya magiging maayos kapag iniwan ko sya. Di porket lagi syang sumusuko ay susuko narin ako sa aming dalawa. Hindi ba sa relasyon, kapag di kaya ng partner mo, ikaw ang gumawa? Kaya hanggang ngayon umaasa parin ako na kaya naming maayos to.
Siguro nga napakagago nya para itake advantage ang pagmamahal ko sa kanya. Pero alam ko di nya rin ginusto yun. Mahal nya ako. Dapat kong panghawakan ang dalawang salita nya.
“pang ilang break up nyo na ba yan?” tanong sa akin ng kaibigan ko. Naglalakad kami ngayon sa overpass papasok sa SM Valenzuela.
“di ko na alam eh.” Sagot ko naman.
“akala ko ba ikaw ang buhay nya?”
“ako nga.” Nagtaka ako sa itinanong nya.
“eh bakit nung pinalitan mo password nya sa facebook nagalit sya? Sabi nya sinira mo raw ang buhay nya? Hahaha”
“nasabi nya lang yun.” Ah yun pala. Sabagay nasaktan ako nung time na nagalit sya sa akin kasi pinakialaman ko yung Facebook nya. Gusto ko lang naman malaman kung may iba sya. Di ko sya maintindihan, parang facebook lang manggagalaiti na sya ng sobra sa akin. Big deal na yun masyado. Oo alam ko naman mali na baguhin ko pa yung password nya pero para pagsalitaan nya ako ng parang yun na ang pinakamalaking kasalanang nagawa ko sa kanya, parang ang OA naman ata diba?
“sus. Grabe talaga yang boypren mo! Lakas ng saltik eh! Hahaha parang fb lang. ikamamatay nya di magfb e hahaha”
Natawa nalang rin ako dun. Hahaha may point naman kasi sya.
Bumaba kami sa first floor kasi nandoon yung pakay nya. Napadaan kami sa mga stuff toys. Yung puso. Napailing nalang ako.
Tinanggap ko lahat ng masasakit na salita nya… may mura, paghuhusga at kung ano ano pang alam nya na ikabibigat ng loob ko. Lalo na yung paulit-ulit kong naririnig sa kanya tuwing nagkikipaghiwalay sya sa akin..
‘nakakasawa ka’
Dalawang salita rin lang.. Pero libo-libong kutsilyo na sumasaksak sa dibdib ko ang katumbas nyan.
*sigh*
Alam nyo ba bakit kami nagbreak?
Kasi hindi nya gusto yung tono ng boses ko. Ang babaw diba? Kaya hindi ko matanggap. Alam ko naman na may iba pang rason kung bakit sya nakipaghiwalay…Mahal nya ako. Di sya nagsasawa. Sadyang may problema lang sya. May tiwala ako sa pagmamahal nya.
Kahit di ko na talaga sya maintindihan.
Ano pa bang kulang ko? Sabihin nya lang naman kasi eh. Gagawin ko lahat. Alam naman nya yun.