Ako nga pala si Marjorie.. Isang junior sa isang eck-eck na private school.. Sikat sa campus -- opcors, maganda ako eh! Active sa halos lahat ng clubs -- wag lang may kinalaman sa Science, English, at lalo na sa Math! Wag na nating pag-usapan ang academics chu-chu.. :
Bukod dun, masaya ang life ko.. as in! Live your life to the fullest nga, di va?
Tapos dumating si Johann...
Senior transferee si Johann galing kung saan mang bundok..
Pero wag ka, hanep na papable na taga-bundok ang mokong!
Crush na kagad ng bayan (pati barangay!) dahil, bukod sa mukhang hinakot nya na ang kagwapuhan sa mundo, eh may brains pa!
Pero -- sOOoOOOooRrRyyyyy -- yoko sa kanya.. Epal, pakielamaro, at saksakan ng kapal ang gwapo nyang mukha! hmpf! >
Pero, on the other hand, konti na lang talaga ang matinong gwapo sa mundo...
2:
Kinabukasan, sarap ng kain ko ng Clover sa usual table namin ng tropa ko... Un lang kinakain ko sa recess at isang can ng pepsi, may energy na kong magpasaway sa mga teachers ng dalawang subjects ko bago mag-lunch...
Raphael: Naku, ahyan na ang boyprend ko, naglalakad na palapit... :
Nag-ikutan ang mga ulo namin sa direction na tinitingnan nung bakla...
What the--?! O_O
Raven: (ngiti sa'kin) Ooooh... interesting...
Palapit sa'min si Jerome, 4th year na editor-in-chief ng schoolpaper, at, guess who?!... si Johann.. Ibang klase ang ngiti sa'kin ng mokong...
Johann: (umupo sa tabi ko) Eiz...
Ako: Naliligaw ka ng table?
Johann: Hinde, dumadaan lang...
Jerome: Aba, nagsusungit ka nanaman, Marjorie... Sayang ang ganda mo..
Ako:Tigilan mo nga ako, Jerome... Anong ginagawa nyo dito?
Crizelle: (ngiti kay Jerome) Miss mo na ko?
Raphael: Gaga, ako hinahanap nyang dalawang yan... (tumingin kina Jerome at Johann) Mamamaya pang hapon date natin ah..
Kaloka tohng mga toh... Hilig manggulo... :
Jerome: Oo, Raphael, may date nga pala tayo mamaya..
Nakisakay naman.. ;D
Jerome: (tingin sa'kin) Kasi, Marjorie, balita ko maling way daw ang pagkakakilala nyong dalawa nitong insan ko..
Pinsan mo?! ???
Ako: Point?
Jerome: Kaya sinasabi ko lang sa'yo, mabait toh...
Johann: Oo nga... Mahal ako ng nanay ko...
Ako: (napangiti) Mabuti naman... Eh di dun ka na lang sa nanay mo..
Biglang nag-ring ung bell... Nagtayuan na kami para bumalik sa mga classrooms namin...
Bago ako pumasok sa building, humabol pa sa'kin si Johann...
Johann: So, how about ung tutoring sa Geom?
3:
Nung uwian, di ako sumabay sa mga kabarkada kong umuwi... Nagpaiwan ako sa gym, nanood sa mga basketball players (at wanna-be players ) na nag-ttry out para sa varsity... Sarap talagang manood pag ganyan kadame mga papable sa harap mo!