“Sometimes you feel you'll be fine by yourself.”
Relate talaga ako sa linyang ito in the song entitled “Gift of a friend”. Nakita niyo naman kung gaano ako ka loner diba? Pero hindi niyo alam na may best friend ako no? Well, now you know. Pero this year, hindi kami masyadong nagka-usap. Sad right?
Grade 8 kami nagkakilala at naging best friends hanggang ngayon pero may kasama na siyang iba. “Pero best friends parin tayo.” sabi niya. Sana nga. Okay lang naman. Sanay na ako, sanay na sanay. Namimiss ko lang siya, paminsan nga hanggang tingin nalang ako sa kanya.
Ngayon nagka-usap kami. Hindi nga ako makapaniwala eh. “Galit ka ba sa akin?” sabi niya. Umiling lang ako. “Galit ka nga.” sabi niya. “Hindi nga.” this time sumagot na ako. Tumingin ako ng diretso sa kanya, ganon din siya tapos umiwas na ng tingin. “Okay lang naman na magalit ka. Kasalanan ko naman eh. Pero ginawa ko lang naman ito para sayo. Para hindi ka na nila gagambalain pa. Cause you're my bestfriend.” hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko naman sinabi sa kanya na gawin yun eh! Ang gusto ko lang naman ay magkasama kami at hindi sumama sa iba. Pero na touch ako sa ginawa niya. Grabe talaga!
Milyem

YOU ARE READING
My Wattjournal [On going]
RandomThis story is about a girl who loves writing/typing in her journal. Because her journal is her life. All her happy and sad moments of her life were written here. This is her only treasure and only friend