Ang saya-saya naming magkakapatid kanina pero bigla na naman akong nagdrama. Kailan ba ako matututo? Mukhang hindi na. Ganito na siguro ako habang buhay.
Ganito kasi ang nangyari, inutos ng ate ko na bumili ako ng canton pero hindi ako pumayag kasi ako na nga ang magbibigay ng pera, ako pa ang bibili. Sakto naman na walang ginagawa si Andrea. Kaya sinabi ko na si Andrea nalang ang bumili pero hindi rin pumayag si Andrea dahil takot siyang lumabas kapag gabi. Aish! Nagalit na ako at sinabing ako nalang ang bibili. Sinabi naman ni ate na kami nalang dalawa ni Andrea kaya wala akong choice. Pagkatapos naming bumili ay nauna akong dumating sa bahay. Pagdating ni Andrea ay sinalpak niya sa mukha ko ang apat na pancit canton na nasa loob ng cellophane at naunang umakyat sa taas. “Bakit hindi mo nalang ipatong sa mesa?! Bakit kailangan mo pang isalpak sa mukha ko?!” napasigaw na ako sa pagsabi nun habang pinipuwesto ang canton sa lamesa pero itinulak ni ate ang canton sa mesa at nalaglag sa upuan “Bahala kayong magluto niyan!” galit niyang sinabi. Pinulot ko ang mga canton at ipinwesto sa ibabaw ng lalagyan ng plato at pumunta na rin sa taas.
Sa kwarto ni ate ako pumunta at nagsimulang umiyak. Bakit ako umiyak? Kasi kasalanan ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi lang ako nagdrama hindi sa mangyayari ito. Parati ko naman sinisisi ang sarili ko, kahit hindi ko kasalanan. Natutuluan na nga ang cellphone ko ngayon dahil sa kakaiyak habang nagtatype ako ngayon para sa wattjournal ko. Iniisip ko nga palagi kung ano ba ang purpose ko sa mundong ito kung nagdadala lang ako ng problema sa pamilya o sa paligid ko. Then may mga suicide images na na pumapasok sa isip ko pero hindi ako nagpatalo doon. Cause I believe that suicide is not an option. Kahit ilang problema ang darating sa buhay ko, I will face it and I will never give up until I solve it kahit na sa math ay gumigive up ako.
Milyem

YOU ARE READING
My Wattjournal [On going]
RandomThis story is about a girl who loves writing/typing in her journal. Because her journal is her life. All her happy and sad moments of her life were written here. This is her only treasure and only friend