MAHAL KITA BEST BUDZ

311 11 12
                                    

Alam nyo ba kung gano kasakit mag mahal ng taong may mahal na iba? Alam nyo ba kung gano kahirap mag comfort ng bestfriend na umiiyak dahil iniwan sya ng girlfriend nya? Alam nyo ba kung gano kasakit at kahirap na makitang nasasaktan ang bestfriend ko, ang taong MAHAL ko ng dahil sa iba?

---

"haaay budz ang tanga mo talaga noh? lagi ka nalang umiiyak sa taong di karapat dapat" ako kausap ang bestfriend kong tulog dahil sa pag kalasing na si Ian Mike Resusta. "Alam mo sana kasi ako na lang ee! pag ako ang minahal mo budz! promise di kita iiwan! Alam mo sa tuwing nagkakaganyan ka, ako! ako ang mas higit na nasasaktan kung pwede lang na ako nalang yung nasasaktan at imiiyak ok lang, wag lang ikaw budz! pero sabagay ang sakit na nga rin ng nangyayari saken ee pero ok lang kung dahil sayo" paglilitanya ko habang may tumutulong luha sa mata ko. Ako si Georgia Enriquez babaeng inlove sa BestBudz nya. Matagal na kame magkakilala ni Ian, childhood bestfriend, alam ko ang lahat sa kanya at alam nya din lahat sa akin except sa isang bagay, yun ay ang pag tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung kelan at pano nagsimula pero gumising na lang ako isang araw mahal ko na yung bestfriend ko. "Budz ok lang na gawin mo kong rebound! ok lang promise para kahit papano mabawasan yung sakit na nararamdaman mo :'( Ayokong nakikita kang nagkakaganyan budz! Sana kasi ako na lang yung minahal mo ee edi sana di ka nasasaktan! Ang tanga tanga mo talaga budz!" sabi ko na parang baliw kasi nakangiti ako pero umiiyak tapos yung kausap ko tulog -_- tumabi ako sakanya at umupo at nilaro ko na lang yung buhok nya hanggang sa nakatulog na din ako.

---

"Good morning budz! :) breakfast in bed! hahaha ikaw talaga dito ka na naman nakatulog" sya habang papalapit sa akin at ibibigay daw yung break fast ko. " Kaya gusto ko dito matulog ee pag kagising ko may breakfast na agad!" pagbibiro ko sa kanya. "Ahahaha ikaw talaga budz" sya sabay akbay saken at pat ng ulo ko, sana naimagine nyo. "Kidding aside budz ok kana ba? makatawa ka dyan parang di ka humagulgol kagabi ah!" tanong ko sa kanya. "Oo naman budz kilala mo naman ako diba? ok lang sa akin yun isang iyak lang ok na!" sagot nya. "Promi------" ee naputol yung sasabihin ko kasi bigla akong humarap sa kanya para makita ko yung muka nya at makasiguro pero wrong move kasi nga naka akbay sya saken diba so pag harap ko sakanya ayun ang lapit2x ng muka nya sa muka ko feeling ko lahat ng dugo ko sa katawan umakyat sa muka ko, di ako makapagsalita o makagalaw, parang tumigil yung mundo ko. grabe ang gwapo talaga ng budz ko ang bait pa kaya naiinlove ako ee. "Budz" sya yan! MyGod di talaga ako makagalaw "Ba..ba...b..bakit?" I manage to utter a word "Budz may muta ka pa oh!!" sya sabay turo sa mata kong kumikinang dahil sa kagwapuhan nya, pero teka ma...ma...may muta ako? waaahh nakakahiya >__< agad akong lumayo sakanya at kinapa ang mata ko "Budz!! Wala naman ee :3" ako "hahahaha joke lang budz tsaka kung may muta ka man sanay na ko! hahaha ang cute mo talaga! :D" sya na tawa ng tawa. "Ewan ko sayo budz ginagawa mo na naman akong clown!" sabi ko habang kinakain yung breakfast na dinala nya. "*pasalamat ka mahal kita*" dagdag ko pero pabulong lang "Ano yun budz?" tanong nya. "Wala, sabi ko ang sarap nung breakfast -_-" sabi ko ng naka poker face "Syempre ako pa ^_^ bilisan mo budz ihahatid kita may pasok pa tayo" sya "Aye aye captain" sagot ko ng naka salute pa "Ang cute mo talaga budz kaya love kita ee" sabi nya!

dug.dug.dug.dug

(A.N-heart beat yan pag pasensyahan nyo na yung sound effect! epic -_-) waaahh ang puso ko lalabas na sa katawan ko "love mo muka mo" sabi ko nalang para mawala yung awkward feeling ko "love naman talaga kita budz kasi bestfriend kita :)" yun yown ee ang sakit lang kala ko pa naman! assumera kasi ako ee -_- "budz uwi na ko kita nalang tayo sa school" pagbabago ko ng topic " ihahatid kita budz" sya. "no! ah eh wag na diba may pasok pa tayo kaya asikasuhin mo na sarili mo at ako din! bye budz!" yun lang at umalis na ko feeling ko kasi anytime tutulo na yung luha ko ee. nag assume na naman ako ee :'(

---

*sa School*

"Good Morning Georgia:)" bati sa akin ni Kate Rica Smple classmate ko. "Good Morning din sayo :)" ganting bati ko sa kanya "morning Ms. President ^-^" si Princess Atienza school mate namen 3rd year na sya kung di ako nagkakamali. " Morning din :)" bati ko ng nakangiti. "Oi Ms. President anong balak sa Friday valentines day na yun wala bang pakulo?" tanong ni Robin Villanueva Rongavilla Vice president ng school organization oh well tama po kayo ng basa ako po ang dakilang President ng school organization. "Kayo ba anong suggestion nyo?" tanong ko sa kanila. nandito kame sa office ng school organization pinaguusapan namen yung mga activity this coming friday kasi valentines day yun. "Gumawa na lang tayo ng mga booths" suggetion ni Mark Miles Marco secretary namen. "Maganda nga yan! pero guys limit lang yung booths huh! tama na siguro yung 3? tingin nyo?" suggestion ko. "Ok lang budz para hindi rin hassle malapit na din kasi ee" sabat ng budz ko *0* hohoho sya lang naman ang escort ng school org. parang sya yung campus crush. ang dami kayang may gusto dyan, ewan ko nga ba kung bakit sa huli sya palagi yung umiiyak. "ok lang! so anu-anong mga booths?" tanong ko sa kanila. "Maganda yung dedication booth" sabi ni Robin. "any suggestion?" tanong ko ulet "Stuff booth" sabi ni Kim Besa ang auditor namen na may pagka kikay. "Stuff booth?," we all said in union ee kasi bago sa pandinig namen yun ee. "stuff booth! OMG di nyo alam yun? ayun yung mag bibigay si boy ng mga stuff kay girl such as chocolate, flowers etc. get it? but he will give it secretly tapos pag malapit na matapos yung program tsaka lang mag papakilala si boy! :")" mahabang paliwanag ni Kim "oh yun pala yun! hehehe :) so ano yung last?" tanong ko ulet pano wala naman akong alam sa mga ganito kaya bahala na sila. "Dating booth" napatingin ako kay budz kala ko nag jojoke time lang sya pero seryoso sya ee kaya tumango na lang ako. "So we already have 3 booths w/c is dedication, stuff and dating booth so i think this meeting is ajourned?" pagtatanong ko. "Ms.President I think its more interesting kung lalagyan naten ng twist yung mga booths like diba sa dedication booth muna tapos sunod sa stuff booth dapat hindi mag pakilala si boy until sa dating booth na lang sila magkikita para may surprise in the end :)" pagpapaliwanag ni Shara Jane Osera auditor ng school org. "i love it! i really really like that idea your so genius Shara" sagot agad ni Kim, sabi sa inyo ee kikay sya :) "oo nga ang astig nun. ang galing mo huh!" sabat din ni Robin "ok din sa akin :) so lets end this meeting na ha!" hehehe may gagawin pa kasi ako kaya gusto ko na matapos to. "bye ms.president" sabi nila at umalis na. naiwan ako at si Ian dito sa office kasi nga may gagawin pa ko hihintayin nya daw ako kaya ayan andito pa din sya.

MAHAL KITA BEST BUDZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon