Secret 13
EMERALD’S POV
Hmmm. Shh wag kang maingay. ~ Ang sarap pang matulog. Ungot ko sa isip ko nang marinig kong may kumakatok. Isiniksik ko pa ng maigi sa unan ang mukha ko.
*knock knock*
*knock KNOCK*
*KNOCK KNOCK!*
Napabalikwas naman ako dahil grabe na sa lakas yung pagkatok. Agad akong tumayo at marahas na binuksan yung pinto.
“ANO?!” sigaw ko kasabay ng pagkusot kusot ko ng mata ko.
Parang nagising naman yung diwa ko ng lumapit siya ng bonga sa akin at napaatras ako.
“Don’t tell me nakalimutan mo?” I looked at him na para bang isa siyang puzzle na hindi ko pa naso-solve. Nakalimutan daw ang alin?
“ARAY!” pitikin daw ba yung noo ko! “Ang sama mo! Ano bang nakalimutan ko! HA? Eh wala naman akong lakad nga—yon....AY!” Napa facepalm nalang ako. “Sorry!”
Agad ko siyang tinulak palabas at sinarhan siya ng pinto. Dali dali akong nagpunta sa CR at naligo. Gosh! Nakalimutan ko, ngayon pala yung “date” a.k.a “Love Lesson” namin. Psh! Di nalang kasi sabihin ng diretso eh. Hindi ko mawari pero nakakaramdam ako ng excitement ngayon. No no no. This is purely an experiment!
Nagsuot lang ako ng simpleng blue dress at nag doll shoes. Kinulot ko din yung dulo ng buhok ko. Nag apply ng konting make-up at tadaaaa~ Ang ganda ko na. Tumingin ako sa salamin at nag wink ~Lumabas na ako ng kwarto. Sa bilis kong yun hindi naman na siguro siya magagalit ano? Hihi.
Tumingin siya sa akin. Agad niya ding binawi ito at lumapit.
“Shall we?” sabay abot niya sa akin ng kamay niya.
Hmm ~ Aabutin ko ba o hindi?
“Aisht!” mukhang nainip siya kaya hinila nalang niya yung kamay ko. Actually KALADKAD ang nangyari.
Nakalabas na kami ng condo ko at tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. I mean, kami pala. Teka wait, wala ba siyang balak gumamit ng sasakyan?
“Hey! Magcocommute tayo??” he just looked at me wearing his playful smile.
Geez~ Hindi ko siya gets. Parang ang saya niya ngayon?
KYLER’S POV
How could she forget!? Ibang klase talaga tong babaeng to. Kalimutan daw ba yung date— I mean yung Love Lesson namin ngayon? Why am I getting so excited? It’s so gay.
Siguro nagulat si Emerald dahil magcocommute kami. Syempre gusto ko magmukhang normal date—Don’t get me wrong. It’s not as if I’m falling hard for this childish girl. Gusto ko lang talaga siyang tulungan. Okay?
Nakarating kami sa Ocean Park. I know ang COMMON ng ganitong date. Pero sa likes ni Emerald, ganito ang mga naiimagine niyang date. I’m sure of it.
“Waa. Ocean park!“ see? Nagniningning pa ang mata niya nang sabihin niya yan. Sabi na magugustuhan niya itong date namin eh. Fuck! I mean this Love Lesson!
Pinitik ko ang noo niya. Pikon na naman ‘to. “Ouch!! Sobra ka na ha!” haha look at her annoyed face. She’s cute. THE FUCK! NO! SHE’S UGLY! She’s mine.
“Tss. Nandito tayo para sa lesson mo. Wag ka mag enjoy” nagpout naman siya sa sinabi ko.
“Or else you want this to be a normal date?”sabi ko sakanya habang naka akbay. she blushed! Dammit!
BINABASA MO ANG
My Secret Love Master (completed)
Художественная проза[Warning : Rated MILD SPG] BOOK 1 What if may biglang dumating na package sa bahay niyo tapos hindi ka prepared kasi T-SHIRT lang ang suot mo?! Ano kayang maaaring mangyari pag nagsama ang isang secretly extreme pervert at isang sexy model sa iisan...