Zero's POV
haaay! nakakawalang gana. dito ko na nga lang sya makakasama sa room eh. napalabas pa.
*BOOGSH*
absentmindedly kong nasipa yung upuan sa harapan ko. napatingin sakin yung mga classmates ko. haaay...issue na naman to.
classmate1: hala nagalit si Zero.
cm2: yari si sir Ramirez. malamang bukas tanggal na yan.
cm1: oo nga...biruin mo pinalabas si ms. Hell.
cm3: ayan tuloy na bad trip si Zero.
cm4: patay si sir...yung dalawang may ari pa ng school ang kinalaban nya.
*BLAH. BLAH. BLAH.* sabi na eh.
hinayaan ko na lang sila. kung tutuusin advantage para sa'kin yung kumakalat na tsismis na may relasyon kami ni Hell. atleast wala ng magtatangkang lalaki na lumapit sa kanya. kahit na ang totoo, wala naman talagang nagtatangka.
"hi Zero!. hinahanap mo ba si hell?" si Abcdee, best friend ni Hell. "nasa gymnasium sya ngayon...tara sama ka."
"h-ha?" ako.
"sabi ko sama ka sa'kin sa gymnasium, pupuntahan natin si Hell."
*BLINK. BLINK. LUNOK.* ako.
"hahaha. takot ka ba kay Hell?"
"h-hindi ah."
"takot si Zero kay Hell. takot si Zero kay Hell." paulit-ulit nya yang kinakanta. haist. kainis. ang weird lang nilang magkaibigan. isang ayaw na pinapansin, nilalapitan at hinahawakan; at isang gustong palaging pinapansin. bagay talaga silang magsama...pero mas bagay kami ni Hell."oy! anong nginingiti-ngiti mo dyan?" hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako sa naiisip ko.
"tapos ngayon nmumula ka pa."
shit. kinikilig ba ko?
"tss. alis na nga. may gagawin pa ko." pagtataboy ko sa kanya.
"ano namang gagawin mo dito sa room? at kailangan ikaw lang mag-isa?"
pinagala ko ang paningin ko sa loob ng room. oo nga, kami na lang dalawa ang naiwan sa room.
"basta labas na. mamaya may makakita pa satin dito. matsismis pa tayo. baka magalit si Hell ko."
"NAMAN! magagalit talaga yon...at magseselos."
"talaga?" agad na nagningning ang mga mata ko sa narinig ko. alam ng lahat na may gusto ako kay Hell maliban sa kanya. manhid eh. pero di ko alam na talagang magseselos si Hell pag may narinig syang balita na may kasama akong ibang babae. may gusto din kaya sya sa'kin?
"oo...magagalit yun pag nalaman nyang may kasama akong lalaki.""ANO?"
"aray ko. wag ka ngang sumigaw. akala mo sayo sya magseselos no? hahaha bye na nga."
"....................." nganga ako. akala ko naman may gusto din sakin si Hell. paasa tong babaeng to. "haaay!"
"Zero." napalingon ako sa kanya. nakataliko0d pa rin sya sa'kin. "kung ako sayo, ligawan mo sya."
"ha?"
"gusto mo sya diba?"
"o-oo."
"walang mangyayari kung wala kang gagawin. hindi si Hell ang lalapit sayo. at mas lalong hindi malalaman ni Hell ang nararamdaman mo kung tutunganga ka lang. sige una na ko."
sana nga ganun lang kadali magtapat kay Hell. sana ganun lang kadali na kapag sinabi kong mahal ko sya...sasabihin din nyang mahal nya ko. pero di naman ganun kasimple yun eh. alin lang sa dalawa magtatapat ako sa kanya at magpapaalam sa mundo o ililihim ang nararamdaman ko para sa kanya at mabubuhay ng matagal. ang hirap magmahal ng babaeng maldita na sadista pa.ilang minuto ang lumipas ng may naisip akong idea. hindi ko naman talaga kailangang sabihin sa kanya ng personal diba? ok na yung malaman nya. kung di ko masabi, edi ipapabasa ko na lang sa kanya. kekeke.
at nagsimula na kong magsulat sa isang malinis na papel.
mamayang uwian ko na lang to ilalagay sa bag nya. kailangan wala sya para mailagay ko to sa bag nya. NYETA ngayon lang sa tala ng buhay ko ako gumawa ng ganito. at sinisiguro kong LAST na to.
tss. LOVE LETTER.