Chapter 18
Mga bes, nag drama ako sa condo after ko mag walk out sa resto. Sino ba naman ang hindi mag da drama ng ganto kung ang guy that you want, loves another girl and that girl is much beautiful than me. Ibabaon ko na ba ang sarili ko mga beshie dahil walang patama to kay Trishia?
Alam nyo nasasaktan ako, nasasaktan ako dahil sa hindi ako gusto ni Terrence, chars lang! nasasaktan ako dahil Terrence denies me in front of Trishia, imbis kase na secretary nya ako ang kanyang sabihin ay he chose to say that I'm his house maid. Taena talagang Terrence na yun, sya lang yata ang boss na nakipag date sa kanyang house maid at sa sikat pang fine dinning restaurant. At isa pa sa kina hu-hurt ko mga bes ay yung sinabi ni Trishia, if ever na sinabi nga ni Terrence na ako ang secretary nya ayako lang naman daw ang pinaka chaka na naging secretary ni Terrence.
Mga bes, dahil sa wala naman akong right to make selos at masaktan ng ganito ay tinigil ko na, nagmumukha lang akong tanga! Hays, minsan mga bes, kailangan nating tanggapin na may mga taong kaya tayong pakiligin, pero hindi tayo kayang mahalin, charot! At ito pa ang isa sa mas mahirap mga bes, yung tipong hindi ka mahal ng taong gusto mo, yung hindi ka nya pinapansin. Ang lungkot isipin na hindi mo sya malapitan ng closer, hindi mo sya mahawakan ng matagalan o makausap ng heart to heart. Pero mga bes mas masakit isiping sya ang life mo pero basura ka lang sa buhay nya! Chos, maka hugot si ako parang may karapatang ma hurt dahil kay Terrence.
Minsan na akong nasaktan dahil sa love na yan, minsan na akong nakapagtanga dahil sa love na yan, minsan ko ng sinakripisyo ang kapakanan ng iba kesa sa sarili ko, mas nakukuha ko pang ibigay ang gusto nila kesa hilingin ang kagustuhan ko. mga bes bakit kaya ganun no? alam mong wala namang pag-asa pero patuloy kang umaasa, alam mong walang karapatan pero nasasaktan ka, alam mong kailan man ay hindi mang yayare ang nais mo pero pinupush mo ang sarili mong makipag lapit sa kanya. Kung natitinda lang siguro ang pagiging tanga mga bes, mayaman na ako I swear.
After ko mag drama mga bes ay nag linis ako ng condo, medyo maalikabok kase, kaya siguro kinati ako ng buong magdamag kahapon dahil sa mga dumi, at dagdag mo pa na nilapag ni Terrence ang damit ko sa sahig. Pinalitan ko din ang pobre de kama sa higaan kase parang di ko carry mahiga kapag hindi banig ang nakalagay sa kama, chars! Nang inalis ko na ang punda at tatlong layer na bed sheet sa kama ay pinalitan ko na yun ng mga punda ko na may design na broken na puso at terno sila ng banig at kumot ko. maalikabok nga ang mga bedsheet mga bes ehh. Allergy pa naman ako sa alikabok, chars! After ko mag linis, mag ayos ng gamit ay naligo ako then when I was done ay nagbihis na at bumalik sa kama ko, at doon ay pinag patuloy ang pag da-drama ko, etchus!
Ganto ako kapag nasasaktan, nagiging masipag.
Ilang minuto, at oras akong naghintay kay Terrence sa condo pero hindi sya dumating. Hinihintay ko lang naman sya baka kase may sasabihin pa sya sa akin na mga reminders na do's and dont's sa condo nya, pero nadalaw na ako ng antok walang Terrence na dumating hanggang sa nakatulog ako.
Pag kagising ko mga bes ay kaagad kong tinignan ang phone ko at may dalawang message ang bumalandra sa inbox ko. excited pa nga akong buksan yun dahil alam ko sa ikabuturan ng aking puso, baga, atay at tumbong na kung hindi si Clifford ang nag text ay si Terrence yun. Madalas kase na nag tetext ang dalawang yan sa akin every morning. Kung kay Clifford ay pinapaulanan ako ng bible verse, love quotes at iba pang qoutes, si Terrence naman ay mga trabaho ko ang kanyang pinag te-text sa akin.
Nang buksan ko ang message ay naimbyerna ako, mula lang naman yun sa network provider ko, mga reminders, mga promo text nila at kung ano pa. After I read those messages I scanned my inbox at lahat ng mga mensahe na nakabalandra dun ay galing sa TNT. Kung ang inbox ng mga in relationship ay inuulan ng sweet words at palitan ng I love you pero sa aming mga single ay kung di galing sa mga kaibigan mong nag text para umutang ay galing sa mga network providers.
KAMU SEDANG MEMBACA
Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)
ComédieChaka ako sa kanilang paningin. Mula nang isinilang ako ay tinalikuran na ako ng mundo at puro kamalasan lang ang napunta sa akin. Siguro nung umulan ng kamalasan ay sinalo ka lahat! OO!! ang hirap maging panget! mahirap kapag chaka ka, lahat na ng...