Ang Alamat ng Pantalon

125 1 0
                                    

Noong unang panahon, mayroong bata na si Pantaleon, ayaw na ayaw niyang magsuot ng pantalon.

Sabi nang nanay niya "Anak, aalis na tayo magsuot ka ng pantalon"sabi ng ina ni Pantaleon. Ang sabi ni Pantaleon sa ina niya."Ayaw ko, hindi ako susunod sa iyo. Mag short na lang ako, mabuti  pa." ang sabi ni Pantaleon. "Naku anak! Pag hindi ka nagsuot, gagawin ka ng reyna na anyong pantalon." ang sabi ng ina ni Pantaleon. "Naku ina! Hindi yan totoo!" Ang sabi ni Pantaleon. 

Ang  susunod na araw, pumunta siya sa mga kaibigan niya. Inaasar at tinutukso niya ang maga kaibigan niya na nakasuot ng pantalon. Sinasabi niya na asar ay "haha may peklat haha. Ikaw naman, may sugat haha. Pantalon kayo nang pantalon para maitago ninyo ang mga sugat ninyo, haha!" Nakita ng ina niya na inaasar niya ang mga kaibigan niya. Nang umuwi sya sa bahay nila, sabi ng ina niya sakaniya."Ikaw! Galit na galit na ako kasi inaasar mo ang mga kaibigan mo! Sana maging panatalon ka na para ikaw ang magtatakpan nang mga sugat at peklat ng mga kaibigan mo!" 

Sumunod ang araw, hindi na niya makita si Pantaleon. Nag-ikot sya sa buong bahay nila. Biglang nakita niya na merong isang shorts pero mahaba na nakalagay sa higaan ni Pantaleon. Itinawag niya na pantalon na isinunod sa pangalan ni Pantaleon. Ito ay napapakinabangan ng mga tao hangang ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Alamat ng PantalonWhere stories live. Discover now