Exchange Student [ONE SHOT]

511 16 14
                                    

Dedicated to dun sa dalawa kong bestfriend sa school. Secret na lang kung sino! HAHAHA! Enjoy reading~ ^__________^

***

Exchange Student

(c)_fall_out_girl

"Grabe! Ang gwapo nila! Magkapatid pa!"

"Mas gwapo yung isa! Yung mas matangkad!"

"Mukhang mas mabait yung mas maliit!"

Kakapasok ko pa lang yun na kagad yung chismis. Pero infairness. Totoo naman yung mga sinasabi nila. Crush ko nga yung isa eh! Japanese yung exchange students~

Napag alaman ko rin na si Ryo yung mas matangkad, which is yung crush ko, at si Kyo yung mas maliit. Pero parang ngang may split personality sila eh! Sabi sabi rin kasi sa school, kinakausap daw yan sa labas, I mean, sila manong driver. Tapos sa school, bibihira ko lang sila makita mag usap na magkapatid! Feeling ko nga hindi sila magkaclose eh!

At ang chismis pa sa mga kaschoolmate mo na chikadora na nagmana kay dora, May abs daw si Ryo! O dba! Bongang bongga! Pak na pak! Fafalicious!

Si Kyo naman kahit maliit yan aba! Pwede mo ng pagtyagaan sa basketball! Kahit na maliliit mabilis tumakbo at sobrang high na high tumalon! (Parang naka drugs lang eh no? High ba naman ang term? What a term! XD) Parang kokak lang! O dba! Ang gwapo namang pala niyan!

Sobrang crush na crush ko si Ryo, kahit na ang drama ko ay "Can I like you from afar." O dba? Kulang na lang gumawa ng music video? Pasok! Sound effects! *duguuun~!*

Kaso, syempre! Gwapo! Matalino (Isama na natin, pagbigyan!) not sure. Pero kasi naka perfect siya  sa English, matangkad, at mayaman! May bar daw kasi ang family nila sa Quezon City. O dba? Package na package? Kaya...what are you waiting for? Tara na! Sakay na! Sa bagong bagong Jeju Air na ine-endorse ng Bigbang! Ta-da~! (Teka, bakit napunta sa Jeju Air? Pakikutusan nga ko., isa lang..o tama na, lagpas na sa isa yun nawili ka naman! =____________= )

Ayun nga, ang nega lang dun ay marami kang karibal, as in marami! Super dami! Infinity ang bilang! Kaya araw araw parang nawawalan na rin ako ng chance na makalapit man lang sa kanya, sa sobrang taas ng level niya feeling ko ako na yung pinaka mababang level. Parang yung sa Naughty Kiss? Top 1 si Gian habang panghuli si Tintin? Pero at least, nakapasa siya! (Endorsement XD)

Kaya eto ako ngayon, nagmumuni kasama yung isa kong bestfriend, yung isa ko kasing bestfriend pinatawag sa COCC, sus! Alam naman namin na gusto niya ring matitigan yung senior niya dun eh! (Referring so the stories 'Sir, Yes, Sir!' by of course! Me! _fall_out_girl! And 'Sir, I love you, Sir!' by scarletlocks! Well, medyo same kasi parang may pinanghugutan. XD) If I know kulang ang isang balde para sa laway niya. Teehee.

At ayun nga, habang nagkkwentuhan kami ng aking bestfriend na ang topic ay ang aking love na love na mga kuya na cosplayer at with matching sip sip sa starbucks na kelangan artihan ang paghawak para makita ang logo nito at huwag magtissue para talagang sossy! Ay dumaan sila Ryo at Kyo! Eh ang scenario ay may mga batang naglalandian sa gitna ng hallway kaya limited ang space para makadaan. Alam niyo kung anong ginawa ni Ryo?

Pasok! Choices~!

a.) Nag excuse sa mga batang naglalandian sa hallway

b.) Nag intay na umalis ang mga bata

c.) Dumaan sa ibang daanan

d.) Hindi na tuluyang dumaan

Pero, hello! Reality tayo! Syempre diba cool siya at astig? Kaya ang ginawa niya ay sinangga lang naman ang aking oh-so-precious body. (Ang umepal papaslangin ko at gagawin kong Brain Spread ang utak. Lol! Over!) At ang malala pa nun, hindi nag excuse! Kaya talagang masakit sa aking katawan ang ginawa niyang pagbangga. Alam niyo kung anong ginawa ko? 

Alam ko namang ayaw niyo na sa mga choices kaya hindi ko na kayo isususpence. Ang ginawa ko lang naman ay...

"HOY LALAKI!"

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Ako?"

"Ayy hindi! Hindi ikaw! Babae ka eh! Hi Atii!" With matching kaway pa yan. "Syempre ikaw!" =____= Nakakabit na sa pangalan ko ang salitang sarcasm.

"Bakit? What's your problem?"

"Aba aba! Inglisan ba to ha? Hey! 'Yo! Wazzup!" Teka mukha na kong timang =_____=

"Bakit mo ko sinangga? HA?!!!"

"Ayy nasangga ba kita? Sorry ha! Oh ano? Pwede na bang makaalis?"

"Hindi pa!"

"Bye!"

At umalis na siya. Ugh! I hate him!

Dun na nga nagsimula. Simula nung aksidente na yun, hindi ko na siya naging crush, as in! Papatayin ko ang magsabi ng pangalan niya at isasabit ko sa puno ng malunggay! Seryoso ako!

Ikaw ba naman ang banggain ng ganun ng crush mo? At habang pinag uusapan niyo ang kuya slash crush mo rin? O dba? Andami lang crush. =____________=

"Bili tayo ng camote cue?" Aya ko sa isa kong bestfriend. Nagugutom na kasi kami eh. Practice lang para sa graduation.

"Sige."

At saktong pagtayo namin, naamoy namin sila Ryo at Kyo na kadadating lang. Late sila sa practice nila sa Graduation. =________= Pagkalayo namin sa kanila, agad nasabi ng katabi kong bestfriend. "Mang aakit ba sila?" Sa sobrang tapang ng pabango nila ay parang ganun yung dating.  Parang may aakitin, at kelangan magkaparehas pa sila ng pabango?

Pagkatapos naman namin na kumain ay inutusan ang aking bestfriend na pumunta sa gym. Pumunta naman kami pero syempre, medyo malayo ako sa kanila. Medyo na bored ako kasi inutusan pa siya kaya tumalikod ako para lumabas pero sakto pagkatalikod ko, nakita ko yung magkapatid. Nakatingin sa nagppractice, nandun sila sa gate, actually, para silang unggoy na dumudungaw. XD

Lumabas na ko at binalewala na yung dalawa kaso biglang may humatak sa braso ko. Nagulat naman ako kung sino, si Ryo pala.. =O

"B-bakit?"

"May sasabihin sana ako sayo."

"A-ano yung..sasabihin mo sakin?" Teka, bat ako nag sstammer? >______< Hindi ko NA siya crush---

"I love you!"

BOOM! SHAKALAKA! BAM RATATATA! Anong sabi niya? Nabibingi na ba ko? Hello! Asan ang reality? Where are thou?

"H-ha? Anong sabi mo? Pakiulit?"

"Sabi ko I LOVE YOU!"

"Ayy tongek! Inulit nga! Unli? unli? Oo na.....

I LOVE YOU TOO!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Exchange Student [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon