MSG 10

258 8 0
                                    

“Dream as if you'll live forever, live as if you'll die today.” ― James Dean

------------------------------------------

Naka-ngiting sinimulan ni Summer ang araw niya. Kahit na kakagising lang niya at wala pa siyang kasiguraduhan, ramdam na niyang magiging maganda ang araw niyang ‘to. Isa pa, sariwa pa rin sakanya ang mga nangyari kagabi. Ang saya niya, sobrang saya.

Una sa lahat, kumpleto sa bahay nila ang lahat ng taong importante sakanya. Pangalawa, sinurprise siya ng mga ito para sa 20th birthday niya. At pangatlo, nando’n si Evan. Isa talaga lagi si Evan sa mga dahilan kung bakit napapangiti si Summer, kahit na sa simpleng bagay lang na gawin nito.

Lumabas siya ng kwarto nang may marinig siya ingay na tila para bang may nagpupukpok at naglalagari ng kung ano sa labas ng kwarto niya. Bumungad sakanya ang siguro na sa lima o anim na kalalakihan, lahat sila ay may suot na dilaw na helmet. Bumalik siya sa loob ng kwarto niya para sumilip sa bintana kung saan tanaw ang bakuran nila, may mga naglalagari rin doon.

Lumabas ulit siya ng kwarto niya, bumungad sakanya ang isang lalaking nakatalikod at medyo pormal ang kasuotan. Naka-blue itong long sleeves at black slacks, may suot din itong helmet. May kausap siya sa isa sa mga naglalagari habang may hawak na blueprint.

“Ayusin niyo ‘yang ginagawa niyo. Maglalagari nalang kayo, ayusin at pantayin niyo na. Para matapos na rin tayo agad dito,” tinignan niyang muli ang blueprint, “Onti nalang ‘to.”

Napalingon naman bigla sakanya ang lalaki. Mukha na siyang pamilyado at mukhang mayaman. Maputi siya at matikas ang katawan, medyo may katangkaran din. Kung hindi mo titignan ang mukha niya at papakinggan lamang pagsasalita nito, hindi mo iisiping isa siyang dayo. Halata sa itsura niyang hindi siya taga-rito. Pero sobrang fluent niyang mag-tagalog na para bang ang tagal na niya rito sa Pilipinas.

“You must be Joan and Nel’s daughter they’ve been telling me about,” lumapit ang lalaki kay Summer at nilahad ang kamay, “It’s nice to finally meet you, Summer. I’m―”

Hindi natapos ang sasabihin nung lalaki nang dumating bigla ang Papa ni Summer.

“Engineer James, I see you’ve finally met my daughter,” inakbayan ni Nel ang anak, “Summer, this is James, he’s an engineer. Siya ang nagre-renovate ng iilang parte ng bahay, gusto na kasi itong ipaayos at ipabago ng Mama mo para ma-maintain daw.”

“Ah, hello po.” bati ni Summer at naka-ngiting tumango lamang si James.

“Anyway, James, nasa’n si Dona? Naghanda pa naman si Joan ng makakain para sa’ting lahat.”

“Actually, I was with her on our way here but she forgot some blueprints at home so she had to go back and them. But I think she’s on her way.”

Nanatili lamang na nakatayo si Summer sa tabi ng Papa niya at daretso ang tingin sa engineer. Isa lamang ang naiisip niya―hindi siya sigurado, pero posible.

--

My Summer's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon