Lahat ay sumisigaw at nawawalan na ng pag-asa. Katapusan na ng mundo. Iyan ang mga salitang tumatakbo sa isipan ng lahat. May mga umiiyak at mayroon ding nananalangin. Ngunit Huli na ang lahat. Wala nang makakapigil sa pagdating ng Panginoon. Ang Panginoon na binalewala ng mga tao. Ang Panginoon na siyang nagbigay ng buhay sa lahat ng nasa mundong ibabaw. Ang Panginoon na ginawa ang lahat, Maligtas lang ang Kaniyang mga anak. Pero sinayang lang ng mga tao, natin.
At ngayong dumating na ang Katapusan,Lahat ng tao ay magdudusa. Mayroong mga aksidenteng magaganap ngunit walang mamamatay. May mga nanghihingi ng patawad sa ating Panginoon ngunit huli na ang lahat.
Lahat ng masasama ay matitira. Lahat ng mga kumikilala sa Diyos ay mapupunta sa Kanya. Marami ang nangyari. May mga kampon ng satanas ang nagsidatingan at humahabol sa mga taong makasalanan. Pinapahirapan nila ang mga taong hindi kilala ang Panginoon. Unti-unti nilang pinapatay hanggang sa sumuko ito at kumampi sa kanila.
"Ako ang inyong diyos! Kaya dapat lang na ako ang sundin at huwag ang diyos na inyong nakilala!" wika ng isa sa kampon ng kadiliman. Kinuha nila ang isang lalake na kanilang nadakip. Umiiyak ito at nagmamakaawa sa kanila. Ngunit ang masama ay magiging masama parin habang buhay.
"Uulitin ko,sumapi kalang sa amin at magkakaroon ka ng kapangyarihan." wika ng demonyo.
"Mga demonyo kayo! Hinding-hindi ako pupunta sa inyo! Isa lang ang kinikilala kong Diyos! At yon ay ang Panginoon!" sigaw ng lalake.
Takot na takot ang lalake ngunit bigla niyang nalala ang mga salitang tinuro sa kanya ng kanyang ina noong siya'y bata pa lamang.
"Ang Panginoon ay nasa tabi ko lamang kaya wala akong dapat na katakutan." pagpatuloy ng lalake. Tumawa ng malakas ang demonyo na siyang lalong nagpatakot sa kanya. Ngunit gaano pa man ito kalakas ay wala nang mas hihigit pa sa kapangyarihan ng ating Panginoon.
"Kahit ano ibibigay ko sa iyo sumama kalang sakin." wika ng demonyo. Kahit anong pagpupumilit nito sa lalake ay nakay God parin ang puso at kaluluwa nito. Sa Kanya lang.
"Nagkamali ako noon paman at madami akong kasalanan sa Kanya ngunit kahit anong dami ng kasalanan ko ay ni minsan hindi ko naramdaman na wala Siya sa tabi ko." wika ng lalake na siyang nagpa inis sa demonyo.
Sumenyas ang demonyo sa kaniyang mga kasama na hawakan ang lalake. Hinawakan nila ang lalake at ipinwesto ito sa isang higaan na may patalim sa itaas at saktong sa leeg ito nakapantay. Alam na ng lalake kung saan patungo ang ganitong eksena pero kahit ano pa man ang gawin nila sa kanya ay hindi parin nito mababago ang disesyon niyang sa ating Panginoon sasama.
pinahiga siya doon at muling tinanong ng demonyo.
"Ito na ang huling pagkakataon upang mabuhay kapa sa mundong puno ng ligaya. Muli, ano ang pipiliin mo?" tanong ng demonyo.
"Ang langit lang ang nag-iisang lugar kung saan mayroong ligaya. At doon ako pupunta. Ang aking parais--"
Dumilim ang paligid. May narinig siyang tunog ng isang kabayo. Napamulat siya ng kaniyang mata at napatingin sa paligid. Patay na siya. Napalinga-linga siya hanggang sa mapansin niya ang isang makisig na rebolto ng isang lalake na nakatayo sa harapan niya. Ang gara ng maputi nitong damit at napaka kintab ng ginto nitong balabal. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa sobrang liwanag. Liwanag na mas hihigit pa sa sikat ng araw. Hindi niya man makita ang mukha Nito ay isa lang ang pumasok sa isip niya. Ang Panginoon.
"Ama! Ikaw naba iyan ama?" naluluhang wika niya. Hinaya ng Panginoon ang dalawang kamay na waring gusto Niya ng yakap mula sa Kaniyang anak.
Tumakbo ang lalake at niyakap ang Panginoon.
"Masaya ako na Nasa akin parin ang puso mo" wika ng Panginoon.
"Patawad po Ama sa mga nagawa kong kasalanan sa inyo." wika ng lalake.
Mismo ang Panginoon ang susundo sa iyo kapag Siya ang pinili mo. Ang Panginoon na akala natin ay Hindi lumalabas at ang Panginoon na hindi natin binigyan ng oras. At ang Panginoon na laging nandyan para maligtas ka lamang sa kapahamakan.
Sa panahaon ngayon,marami na ang naimpluwemsyahan ni satanas dahil lang sa kakulangang pananampalataya sa ating Panginoon.
"Halika anak. Ipapakita ko sa iyo ang nga ginagawa ng mga tao noong silay malaya pa lamang."
wika ng Panginoon at nagpunta sila sa isang lugar na kung saan napapanood nila ang mga ginagawa ng mga taong walang paki-alam sa Kanya.
May mga taong inuuna ang mga walang kwentang gawain kaysa sa Kaniya. May mga away, sugal,patayan,kidnapan at kung ano-ano pang mga masasamang gawain.
Hindi niya mapigilang mapaluha dahil sa nakikita. At dahil sa isa siya sa mga tao na nasa eksenang pinapakita sa kanya ng Panginoon.
"Alam mo anak, ginawa ko ang impyerno hindi para sa mga tao,kundi para sa mga makasalanang anghel na sumuway sa utos ko. Pero nang dahil sa kasalan ay nararanasan nila ang ganito. Hindi ko pinangarap anak na maging ganito ang mga tao na ako pa mismo ang gumawa." may nakita siyang luha galing sa mga mata ng Panginoon. Lumuluha Ito dahil hindi manlang magawang suklian ng mga tao ang mga mabuting binahagi Niya sa mga ito.
May nakita na naman siyang mga taong sumasamba sa iba't-ibang santo. At alam niyang isa din iyon sa mga ginagawa niya sa lupa. At ang huling ipinakita sa kanya ng Panginoon ay ang RAPTURE. Na kung saan ay naganap na sa mundo ngayon.
"Iyan ang mga nangyayari ngayon anak ko. Kinukuha ko ang dapat na kunin at naiiwan ang mga hindi karapat-dapat na sumama sa akin."wika muli ng Panginoon. Hindi niya mapigilang umiyak sa mga nangyayari.
Nakikita niya ang mga kapwa niya tao na nagsisitakbuhan at takot na takot sa apoy na unti-unting sumusunog sa buong mundo. Ang apoy na siyang gugunaw sa mundo. Ang apoy na sumisimbolo ng KATAPUSAN.
"Panginoon, iligtas niyo po sila." wika niya ngunit muli niyang nakita ang pagluha ng Panginoon.
Gustuhin man ng panginoon ang iligtas ang lahat ngunit huli na, dahil nangyari na ang mga nangyayari dati noong panahon ni Noah.
"Minahal ko kayo ngunit bakit hindi manlang ninyo kayang suklian ang pagmamahal na binahagi ko sa inyo?" naluluhang wika ng Panginoon.
Huli na ang lahat. Iyon nalang ang sinasabi ng kanyang isip. At hindi na iyon magbabago.
"Huwag kang mag-alala anak ko. Pagkatapos ng lahat ng ito,magkakaroon muli ng saya ang bagong mundo."
Ang huling sinabi ng Panginoon ang tumatak sa isip niya bago ito nawala.
Mahal tayo ng Panginoon kaya dapat natin siyang mahalin pabalik dahil iyon ang pinaka maka pangyarihang sandata upang matalo ang kasamaan at tumatag ang kabutihan sa ating mga Puso.
.
TO GOD BE THE GLORY
.
.
.
.
AN: una po sa lahat. Maraming salamat sa pagbasa ng story kong ito. Sana'y makatulong ito upang mabago ang inyong buhay. Upang mabuhayan kayo at gumawa rin ng kabutihan. God bless po sa inyong lahat!

BINABASA MO ANG
Rapture =~Katapusan ng Mundo~= [One Shot]
SpiritualeAng Panginoon ay laging nandiyan para sa ating lahat. Kahit gaano man tayo kasama ay handa parin niya tayong patawarin. Mga taong makasalan. pagdating ng KATAPUSAN. Ano ang pipiliin niyo? Ang kabutihan o ang kasamaan?