Prologue...
Lahat tayo, kapag may nagugustuhang tao, gagawin ang lahat kung minsan para lang mapansin niya na tipong humahantong na sa pang-iistalk...Tapos yung tipong napakalilit na bagay na gagawin niya na may kinalaman tayo ay binbigyan ng kahulugan... Kaya eto ang bagay para sa ating lahat..
Si Tanya O. Marquez ay labing-siyam na taong gulang isang iskolar mula sa Unibersidad ng Pilipinas, kumukuha ng kursong Edukasyon, nasa ika-tatlong taon na niya.
Walang Boyfriend... Wala rin masyadong kaibigan... Loner kumbaga ang drama nitong babae...
Dahil madalas mag-isa, mas madalas pa sa paghinga niya ang mag-day-dreaming... kaloka ang peg ng ating bida...
Ang kwento ay iikot sa iba’t ibang tauhang magiging sangkot sa kwento lalo na siyempre kay Tanya at sa kanyang tinuturing na “secret love affair over the social network”.
Narito ating tunghayan...
“Hoy Tanya ! ano na namang tinutunganga mo diyan! Wala ka ng ginawa kundi mahiga diyan! Bumangon ka na nga at maghugas ng pinggan!”
“Teka lang ...”
Isa pang banat...
“....................................................................pinggan!”
“Teka lang...”
--------------Ganyan siya katamad.
“Mainit na yang laptop! Ako nga muna! Maghugas ka na ng pinggan...”
“Ikaw inutusan ni mama a...”
*tit-tit-tit-tit-tit-tit-tit
“Trabaho mo kaya yan sa totoong buhay, girl!”
(Online kaya siya? Sana... hmmm.....ni like na status ko!...sweet! )
*tenen! (chat sound)
Tanya
“Hi!”
Crush na itatago na lang sa Pangalang Kilay...
“Hello”
“Alam mo ba yung cattle?”
“Hindi e, ano?”
“Yung ginagamit ng lamok, cattle.”
“aw... :3”
“Hindi ka natawa? L “
“Okay lang, more more...”
“Pusa ka ba?”
“Aw..oo bakit?”
“Kasi Meowhal na kita e...”
“lol...”
“Pusit ka ba?”
“Hindi , bakit?”
“Kasi, Pusititbong mahal na kita e!”
Okay, ang chos ni Tanya talaga. Lahat gagawin mapansin lang siya ni Kilay, pero mukha namang napakalabo na mangyari na magustuhan din siya nito. Kumbaga parang ipinagpipilitan mong magiging puti baling araw ang uwak.