@scribblermia - Sana makabili na ako ng book mo ate! :(
Aia's POV
Nakakahiya! huhuhu...
Kasalukuyan sinesermunan kaming dalawa ni RD nila Tito Lorenz, Tita Diane... at ni Daddy!!! Akala ko si tita lang, kasunod pala niya sa likod yung dalawa. Paano daw kapag di sila dumating? Baka daw nagka Renz Damian Jr., na! huhu.. si RD kasi! Ang harot!!!
"Renz, mapipilitan tuloy akong higpitan ang security dito. Hindi ka na basta-basta makakapasok sa unit ni Aia!" si daddy 'yan! Di naman siya galit... concerned lang! +___+
"Dad, eh paano kapag gusto kong dumalaw siya dito?"
"Magpapaalam siya sa akin---"
"Eh dad, sana kung nandito ka lagi sa Pinas! Ang dalas mo kaya abroad!!!"
"Aia!!!"
"Ah, hehe, Arthur, Aia.. Para fair, ganun din sa condominium namin. Hindi basta-basta makakalabas dun si Renz, di ka rin basta-basta makakapasok! Ang pair Lorenz dear di ba?" eh?
"O-oo! hehe"
"Tsk! Mom naman eh!"
"Renz anak! Ang harot niyo nang kabataan ngayon, mas mabuti ng mag-ingat!"
"But we're just kissing!!!" waaaah! adik talaga itong si RD! Honey!!! huhuhu... Napa-face palm na lang ako!
"Renz, that's final. Hwag kang magmadali, darating din ang panahon niyo! Aia baby, gusto ko dito muna tumira 'yung bestfriend mo para may makasama ka."
"Si RD po?"
"Hahahahahaha" si Tita Diane, bigla naman siyang binawal ni Tito Lorenz. "Ang funny niya kasi dear!"
"Anak, I'm talking about your classmate that you mentioned to me before. The daughter of Dizon's!"
"Aaah! Si Kat! hehe, yun pala!" si daddy kasi! "Eh dad, may bahay po 'yun!"
"Pero malayo sa school. Kung dito siya titira mas malapit siya sa university. Don't worry, I have connections, tatawagan ko mamaya 'yung daddy niya."
"Okay!!!"
"So, final na ang lahat? Nagka-curfew tuloy kayong dalawang bata! Don't mind me too much kids! Hindi pa ako ganun ka-excited maging lola! hahaha"
"Diane!" tinignan ko na lang yung parents ni RD, tapos si daddy na mukhang may inaasikaso na naman sa ipad niya, tapos kay RD. Nakatitig lang siya sa akin, kaya napataas ang kilay ko! Kinuha niya sandali 'yung phone niya tapos mayamaya naramdaman ko na nag-vibrate 'yung phone ko. Nagtxt siya.
BINABASA MO ANG
Make You Feel My LOVE
Teen FictionIf you love a stranger, be friends. If you love your friend, be best friends. If you love your best friend, tell him. Pero paano kung si bestfriend may love ng iba? Paano ka? This story will show us how BESTFRIENDS turns into LOVERS... How she figh...