Dahil iyong ni-request.. tadan! Ayan Nikki, dedicate ko sa'yo itong latest update ko. Medyo inaantok na ako nung ginawa ko yan, kaya pasensya na kung may mga mali. Ingat ka lagi dyan! At nga pala, Gold Rising 3 ng Viva sa June 28 sa Fairview. Punta tayo? Andun si Yana! :)
RD's POV
"Ikaw kasi eh!"
"Ako? Ikaw kaya!"
"Weh! Ikaw! Mahilig ka kasi sa kiss, kaya ayan tuloy napatawag pa tuloy tayo sa dean's office! huhu..."
"Pfft!"
Ganyan ang eksena namin kahapon ni Aia. Nagsisihan kaming dalawa sa nangyari sa amin. Kung tutuusin wala naman talagang nangyari eh! OA lang talaga yung nakakita sa amin!
---
Pagkatapos ng klase, pumunta kaagad ako sa library para sunduin si Aia. Pagdating ko dun, nakita ko siyang nakaupo sa may dulong part ng lib at may katabing lalaki? Sino naman ito?
Dali-dali akong naglakad papunta sa pwesto niya at pumwesto ng tayo sa harapan niya. "Honey!" tawag ko sa kanya. Kaagad naman siyang lumingon at tumayo sa kinauupuan niya.
"Hon!" lumapit siya sa akin at hinagkan ako sa pisngi. Napatingin naman ako sa lalaking katabi niya na seryosong nagbabasa ng librong hawak niya.
"Who is he?" bulong ko kay Aia habang nakahawak yung dalawang kamay niya sa may lab gown ko. Napatingin naman siya dun sa lalaki para ipakilala sa akin.
"Oo nga pala. Hon, meet Ian, blockmate ko!" dun lang lumingon yung Ian at tumingin sa akin. Akala ko bingi, kanina pa ako dito eh, ngayon lang napansin?! "Si RD nga pala, boyfriend ko!" pagkasabi nun ni Aia, sabay yakap siya sa akin kaya yinakap ko din siya para naman makita nung Ian na ito.
"Nice meeting you, Mr. Lopez!"
"Same here," lumingon ako kay Aia na kasalukuyang inaayos yung mga librong binasa niya. "Shall we?" tanong ko sa kanya. Tumango siya at bumaling naman dun sa Ian.
"Ian, mauna na akong umuwi ah? Bukas na lang ulit. Bye!"
"Okay, see you tomorrow AZ!" hinawakan ko kaagad ang kamay ni Aia at hinila siya palabas ng library.
"Dahan-dahan naman maglakad, baka masubsob naman ako!" reklamo niya habang naglalakad kami sa open field nitong campus.
"It wouldn't happen as long as I hold your hand!"
"Aww... ang sweet nam--" pinutol ko yung dapat na sasabihin niya at lumingon sa kanya.
"What does he called you?"
"Ano?"
BINABASA MO ANG
Make You Feel My LOVE
Fiksi RemajaIf you love a stranger, be friends. If you love your friend, be best friends. If you love your best friend, tell him. Pero paano kung si bestfriend may love ng iba? Paano ka? This story will show us how BESTFRIENDS turns into LOVERS... How she figh...