Simula at katapusan ni martin, ang mabaet na naian
“saraaaaaaaaaaaaaap lumipad!”, parang tangang sabi ni Superhilot sa sarili. Wala pa rin siyang kaalam alam sa tampo ng Mosquitear at sa mga balak ni Bruno- panganay sa Naian.
“psst!”
“ha? Sino yun?”, nagulat na sigaw ni Ikme.
“psst! Dito!”
“saan ka?!!?”, naglabas ng bolang apoy si Superhilot at ibinato sa kalangitan. Lumiwanag ang paligid at nakita niya sa bundok ang napakagwapong lalaki. <pati author kinilig>
“sino ka?”, tanong ni Superhilot.
“Ikme, ako nga pala si Martin. Ang pangalawa sa mga Naian. Mabaet ako, wag kang magalala.
“Ang lahi niyo mabaet? Weh?! Sabihin mo na agad ang kailangan mo bago kita tapusin.”, brutal na sigaw ni Superhilot.
“ibibigay ko lang ang mga kailangan mong gawin para matalo si Bruno, ang nakakatanda kong kapatid. Siya ay lubos na malakas at napakasama.”, sabi ni Martin.
“sige makikinig ako”
“unang una. Kailangan magkaroon ka ng busilak na kalooban”, sabi ni Martin.
“teka teka. Meron ako niyan kaya nga ako ang Superhilot eh di ba? Ibig sabihin kaya ko nang talunin ang Brunong yun.”
“diyan ka nagkakamali, marahil ikaw nga ang nakatakdang Superhilot pero hindi mo pa rin kaya ang aking kuya, lalung lalo na ngayong sumasama ang ugali mo. Kung mapapansin mo, naaalagaan mo pa ba ang anak mo? Nakakasama mo pa ba ang saydkik mo? Di ba hindi na? sumasama ka na rin. Nagiging gahaman ka sa pera. At yumayabang. Pakiramdam mo ikaw na ang hari. Wag ganun mamehn! May katapusan ang lahat. At mawawala rin ang kapangyarihan mo kapag natalo mo ang kuya ko. Kailangan mong maging mabaet para matalo mo siya. Kaya magbago ka na habang maaga pa.”, paliwanag ni Martin.
“naiintindihan ko na. Tama ka. Hmm. Siguro nga marami na rin akong nagagawang mali. Akala ko magiging ayos to. Hindi pala. Yumayabang na ako. Hindi ko na naiisip na ang misyon ko lang ay ang tapusin ang mga Naian. Maraming salamat Mar..”, biglang nagulat si Ikme nung biglang natumba si Martin. “pare anong problema?”
“mamamatay na ako Ikme. Kaming mga Naian ay masasama. Hindi kami pwedeng gumawa ng kabutihan. Ito ang maguudyok sa aming kamatayan. Isa pa nga pala Ikme. Kailangan mong isama ang Mosquitear dahil may taglay din silang swerte at higit sa lahat. agRHh!!”, naghihingalo na si Martin.
“ano yun pare!? Ituloy mo.”
“si si si… si”
“sino??? Tao ba to?”, sabi ni Ikme.
“si si si”
“kilala ko? Presidente? Bayani? Pass! Pass!”
“si Jessica ay Na.. na.. na.. na.. iiiiaaaa…”, biglang kumulog at hindi naintindihan ni Ikme ang mga sinabi ni Martin.
“shet naman oh! Rest in peace pare. Ano kaya yung gusto niyang iparating?”, inilibing na ni Ikme si Martin sa tabi ng tae ng kalabaw. At agad agad umuwi kay Jessica. Ipapaliwanag na niya ang mga nangyari at magbabago na siya ng ugali.
“you said that you will die for me” –MADRAMANG PARTE NG KWENTO
Sa himpapawid… Napaisip si Ikme sa nangyayari sa paligid. Naalala niya ang kanyang mahal na asawa. Maagang kinuha ng Maykapal ang kanyang asawa. Halos hindi man lang sila nagtagal ng isang buwan na mag-asawa. Pagkatapos na pagkatapos na ipaalam ni Maria- asawa niya, na magkakaroon na sila ng anak ni Ikme, ay bigla na lang nangyari ang kalunos lunos na pangyayaring yun.