CHAPTER five and the END :) hope you enjoy this....

69 0 0
                                    

Laugh letter

        “mga bata, maghanda na kayo… halikwatin niyo ang mga kagamitan nina Jessica at nina Pedro. Baka sakaling may makita kayo na madadala niyo. Bilisan niyo. Sandali lang ako, pupuntahan ko lang si Kap at magpapatrol lang ako para siguraduhing ligtas ang Sulapiya bago tayo sumugod.”, ika ni Superhilot at lumipad na papalayo. Naiwan ang mga bata sa bahay at maghahanap sila ng kakailanganin nila para sa pakikipaglaban.

Sa kwarto ni Pedro…

        “tol dyan ka sa kwarto ni Pedro dun muna ako sa kwarto ni Jes.”, sabi ni Kam. Naiwan si Val sa loob ng kwarto ni Pedro para maghanap ng mga makakatulong sa kanila.

        Sa paghahanap ni Val sa kwarto ni Pedro, may nakita siyang baul na mukhang mahalaga para kay Pedro kasi nakatago ito sa ilalim ng kanyang urateks na kutson. Agad binuksan ng pakilamerong si Val ang baul. Wala siyang nakita kundi ang isang sobre na kulay pink. Binuksan niya iyon at binasa.

        “ahmm…hehehe…love letter sana to…para kay Jessica…sana mabasa niya to…hehehe…ang cute niya kasi eh hehehe…kakantahin ko na lang ang nararamdaman ko…game…

 Sa unang tingin ko pa lang sa yo, mahal na kita

      Di ko matago sa sarili ko, mahal kita

      Kung may mangyaring masama, wag kang mag-alala

      Nandito lang ako, mahal kita

      Di mo man ako nakikita,

      Sana mapansin mo, na ang bawat tibok ng puso ko’y

      Inaalay lang sa yo

      At piplit ko mang pagtakpan, ang damdami’y sadyang matapang

      Kakayaning sabihin sa harap mo, MAHAL KITA JESSICA

      Mahal kita

      Ang ama mong si Ikme, kahit ako’y ibigti

      Ikaw pa rin ang sisintahin, at hindi siya papansinin

      Ang mga tropa kong uhugin, pati sa yo’y pasusunurin

      Ikaw ang prinsesa ng puso ko’y suyuin

      At pumuti man ang alaga ni Tsong Go

      Mamula man ang pisngi mo

      Umasim man ang kilikili ko, kaw pa rin ang nasa puso ko

      Gumawa man ako ng baduy na kanta

      Yun ay dahil MAHAL KITA. <3 –pedro

        …hehe…ambaduy no? yai na…para naman lang yan sa yo Jessica…alabyuuuuu berimats…gusto ko ng sampung anak…hahaha…pero bahala ka kung ilan gusto mo…basta mahal kita…at malapit ko nang aminin to…sana mahal mo rin ako L”, binasa ni Val ang baduy na love letter ni Pedro para kay Jessica.

        “brad ano yan?”, biglang pumasok si Kam at nagtanong.

        “dude, lab leter to eh. Kay Pedro. Ibibigay ata kay Jessica”, sagot ni Val.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SUPERHILOT AND THE MOSQUITEARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon