My Kuya's Assistant Special Chapter I
<THOMAS>
KALALABAS ko lang ng banyo matapos kong mag-toothbrush ng makita ko ang asawa ko na naglalagay ng comforter at mga unan sa sahig ng silid namin.
"Ano 'yan, Mrs. Aguirre? Sa sahig tayo matutulog?"
Napameywang siya sa akin at matamis akong nginitian. At hindi ko gusto ang klase ng ngiting iyon. It appeared sarcastic to me.
"Hindi, Attorney. Ikaw lang ang matutulog dahil dito ako sa kama."
Napakunot-noo naman ako.
"Dahil pa rin ba 'to sa nangyari sa ospital kanina? Akala ko ba okay na tayo?"
"Oo nga. Pero hindi ibig sabihin no'n na kakalimutan ko na ang sinabi kong sa sahig ka matutulog. Gusto ko lang makasiguro na hindi mo na uli ipapahamak ang sarili mo."
Napakamot naman ako sa kilay ko. Masakit pa rin ang mga sugat ko gawa ng pakikipagbuno ko sa isa sa mga nagtangka sa buhay ng kliyente namin ni LA at kung saan kapatid ko naman ang napahamak.
"Pero hanggang kailan?"
"Ngayong gabi lang naman."
"Pero Mrs. Aguirre..."
"Wala nang 'pero-pero', Attorney. Basta dito ka matutulog sa sahig ngayong gabi. Goodnight!"
Sumampa na siya sa kama at nagtalukbong ng comforter.
Seryoso nga talaga siya? No way. Hindi kompleto ang tulog ko kapag hindi ko siya katabi. Nang isama niya si TJ sa out-of-town show nang ilang araw, hindi ako makatulog nang maayos kasi palagi ko silang naiisip. Tapos ngayon heto?
"Kahit good night-kiss wala ako?" tanong ko at umupo sa tabi ng kama.
"Wala ring good night-kiss dahil baka magbago ang isip ko. Baka dagdagan ko lang 'yang putok ng mga labi mo."
"Mrs. Aguirre, patawarin mo na 'ko."
BINABASA MO ANG
A Lifetime of Smiles (MKA special chapter)
RomanceMy Kuya's Assistant special chapter. All Rights Reserved ©2013