Kasey's POV
Grabe! Nakakapagod. Paano ba naman kasi pinalinis sa akin ni ken lahat ng sulok ng condo nya! Ang laki pa naman.
Dalawang araw na pala ang nakaraan matapos ang prom. Hindi na rin ako nakisali pagkatapos ng pagsampal ko kay ken, kasi naman yung tingin sakin ng mga babae. Parang kakainin ako ng buhay e.
So ito nga ako, ito yata ang parusa ko sa ginawa kong pagsamapal sakanya. Kala ko talaga nakalimutan nya na yun ng magkita kami kanina. Oo kanina lang kami nagkita kasi nga umiwas ako sakanya kinaumagahan ng prom. Pero dahil nga dakilang magaling ang kokote nya, sinundo nyako sa bahay at ipinaalam kay mommy at daddy na agad namang pumayag. Ang weird lang na agad silang pumayag? Di pa nga nila nakikilala si ken e! Bakit kaya??
Tapos ayan dinala nya ko dito sa condo nya. Pagdating ko nga dito kanina, diko mawari kung tao paba ang nakatira dito sa condo nya e ~_~ paano ba naman kasi ang kalat.
Pati mga pinagkainan nya ng mga junkfoods. -_-
Nasa kwarto nya sya ngayon at wala akong pakeelam kung anong ginagawa nya.
Kanina pako linis ng linis at ang natatapos ko palang ay ang sala at kusina. Yung tatlong kwarto pa at dalawang banyo. Pagod na pagod nako at uupo na sana sa couch nang bigla syang lumabas galing sa kanyang kwarto kaya bigla akong nagpanggap na nag-aayos ulit.
Lam nyo na! Mukhang mainit pa naman yung ulo nya. Diko lang alam kung bakit? Umupo siya sa sofa habang nakatingin sa akin. Niilang ako sakanyang mga titig pero diko nalang pinansin
Habang pinupunasan ang center table nya ay diko na napigilan ang sikmura ko, bigla kasi itong tumunog senyales na gutom na ito huhuhu! Why are you like this my little tummy!? Nakakahiya!
Napapikit pako dahil narinig ko ang mumunting tawa nya na biglabg lumakas ng lumakas. Bigla ko syang tinignan at nakita kong napahiga sya sa sofa habang hawak ang tiyan at tumatawa. Napairap nalang ako at nag walk-out, pero di natuloy dahil sa pag hawak nya sa aking braso habang tumatawa parin at maluha luha na. Bwisit talaga tong lalaking to e!
"H-hey? Where are you going?" tumatawa paring sabi saakin.
Umirap muna ako bago ko tanggalin ang kamay nyang nakahawak sa braso ko ngunit diko matanggal dahil hinigpitan pa nya lalo "Maglilinis pako sa mga kwarto at banyo, kaya kung pwede lang bitiwan mo na ako?" umiirap na sabi ko.
Hindi nya binitiwan subalit ay hinila nya pa ako na nag sanhi ng pagtili ko
"Ahhh!" Saktong bumagsak ako sa sofa na inuupuan nya.
"Sit there. May paguusapan tayo. But before that, kumain muna tayo. Nag order nako kaya you don't need to cook." sabi nyang di pa rin binibitawan ang aking braso wtf!? Anong problema ng lalaking to!?
"Pwede bang bitiwan mo na ang braso ko?" iritang tanong ko. Di kasi ako makasigaw sakanya dahil may atraso ako. Kung wala lang talaga. Haaaays.
Binitawan naman nya agad ito ng napansing dipa nga binibitawan ang braso ko.
--------
After naming kumain ay nag urong muna ako ng pinag kainan namin.
"Bilisan mo kayang mag urong!? Nakakainip mag hintay. Dalii!"
"Ang OA mo naman! Ikaw kaya mag urong nito!"syempre pabulong lang.
"What did you say?" nakakunot noong tanong nito.
Umiling lang ako at binilisan na ang pag uurong.
After kong mag urong ay dumiretso na ako sa sala dahil naghihibtay na sya roon. Pagka upong pagkaupo ko sa kaharap nyang couch ay biglang nagseryoso ang kanyang mukha. As in sobrng seryoso to the point na may napakalaking problema sya. Ano naman kayang problema ng lalaking to?
"So? Anong maipaglilingkod ko sayo mahal na hari?" sarkastiko kong tanong.
"Mukhang may malaki kang problema ha? Bakit? Nakapatay ka ba? At naguilty ka? Tapos sakin mo sasabihin yan? Tapos iiyak ka s harap ko dahil naguilty ka nga? Tapo-----"
"Shut your fucking mouth or else i'll kiss that lips of yours. Again"nakangisi at makahulugan nyang sabi. Again? What does it mean 'again'? Ah! Baka nung hinalikan nyako nun at nasampal ko sya. Aaah kbye.
Nanahimuk nalang ako at hinintay ang susunod nyang sasabihin sakin.
"Look. I really need you this time. I have a big problem" seryosong sabi ni ken.
"Ha? Ano namang maitutulong ko dyan sa problema mo?"
"Well....hmmmm.....since you slap my handsome face you need to pay. Tandaan mo, ikaw palang ang nakakasampal sakin dahil lahat ng mga nananakit skin ay pinapatay ko"nakangisi nitong sabi.
Wtf!? Tintakot ba ako nito!? Well....natakot na nga nya ko! Potek nakakainis sya! Alam ko naman yun e! Pero Handsome face?? Where? Ang yabang! Kala mo kung sino porket mayaman at leader lang ng isang sikat na sikat na gangster!
"What do you mean? How?" nalilitong tanong ko with matching taas ng kilay.
"Be my girlfriend."
******************
Hello! Tagal kong di nag-update hahaha! Nakalimutan ko kasi ang plot ng story ko that's why hahaha! Dahil naalala ko na. Mag a-update na ulit ako.❤Vote●Comment

YOU ARE READING
My Slave is my Fiancée?!
Genç KurguPaano pag nalaman mong ang slave mo ay iyong fiancée?! At ito pa, nagpanggap kayong mag girlfriend, boyfriend para lang makatakas dyan sa 'kalokohan' (which is sabi ni kenshin) ng mga magulang nyo! Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mga magulan...